^

PSN Opinyon

Taas-presyo kelan matutuldukan?

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

Mukhang hindi pa titigil ang patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo. Kada linggo ay walang humpay at walang patawad ang mga kumpanya ng langis sa pagtaas sa presyo ng kanilang produkto gayong ito umano ay lumang stock na kanilang ibinebenta.

Karamihan sa mga jeepney driver ay hindi na rin bumibiyahe dahil napupunta lang sa krudo ang kanilang kinikita. Nasa P300 na lang ang naiuuwi sa pamilya na kapos sa pang-araw araw na pangangailangan.

Ang taas-presyo ng gasolina at diesel ay sumasabay sa galaw ng global market na nagbubunga ng masakit na epekto sa bulsa.

Kaya sa bawat anunsyo ng taas-presyo ay kasunod nito ang pagtaas ng pasahe at mga bilihin.

Ang sinasangkalan sa oil price hike ay ang tensyon sa Gitnang Silangan na nakaaapekto sa suplay ng langis sa mundo.

Sa darating na Martes, Abril 7 ay panibagong taas presyo na naman ang aasahan.

Sa early estimate, gagalaw ng humigit-kumulang P6.20 kada litro ang gasolina, P20.00 kada litro sa diesel, at P13.00 sa kerosene.

Bukod sa petrolyo ay tumaas na rin ang LPG na ­umabot na sa P1,500 kada tangke kaya ang iba ay balak na magbalik sa uling o kahoy.

Kaya dasal na lang sa Diyos ang tanging paraan ng mamamayan para matigil na ang taas-presyo at matapos na rin ang digmaan sa Middle East.

At sana ay matapos na upang guminhawa naman ang buhay ni “Juan dela Cruz”.

PETROLYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with