Turistang Pinoy dagsa sa Vietnam
Napaulat ka-makailan na napapabilang na sa mga pangunahing destinasyon ng mga Pilipinong nagbabakasyon sa ibang bansa ang Vietnam dahil mas matipid. Ayon sa pag-aaral ng Travel Pulse ng isang booking agency, tumaas nang 193 porsiyento ang bilang ng mga Pinoy na bumiyahe sa Vietnam noong 2025 kumpara sa naunang taon. Sumunod ang Taiwan at Thailand na may paglago na 76.1 porsiyento, ngunit malayong mas mabilis ang pag-angat ng Vietnam bilang paboritong puntahan.
Sa panahon nga-yon na patuloy ang pagtaas ng pamasahe sa eroplano, presyo ng hotel, at gastos sa pagkain sa iba’t ibang panig ng mundo, natural lamang na hanapin ng mga biyahero ang mga lugar na hindi sasagad sa bulsa. Dito pumapasok ang Vietnam. Sa mas mababang halaga, nakakukuha ang mga turista ng de kalidad na accommodation, masarap na pagkain, at kakaibang karanasan na hindi rin pahuhuli sa mas mamaha-
ling destinasyon.
Hindi ibig sabihin nito na nalilimutan na ang mga tradi-
syunal na paborito ng mga Pilipino tulad ng Japan, South Korea, Hong Kong at Si-
ngapore. Ngunit malinaw na nagbabago ang trend, lalo na sa Southeast Asia kung saan mas nagiging bukas ang mga manlalakbay sa pagtuklas ng mga alternatibong bansa na dati’y hindi gaanong napapansin.
Malaki rin ang papel ng social media sa pag-usbong ng interes sa Vietnam. Kapag may isang lugar na nag-viral, agad itong napupunta sa bucket list ng maraming Pilipino. Isa sa pinakasikat ang Cau Vang Golden Bridge, isang tulay na tila iniaangat ng dambuhalang kamay na bato.
Matatagpuan dito ang Son Doong Cave, ang kinikilalang pinakamalaking kuweba sa buong daigdig.
Kapansin-pansin din sa Vietnam ang dominasyon ng motorsiklo bilang pangunahing sasakyan.
Isa pang bagay na madaling mapansin ay ang apelyidong Nguyen, na napakakaraniwan sa mga Vietnamese. Mahigit sa 30 porsiyento ng po-
pulasyon ang may ganitong apelyido, bunga ng mahabang kasaysayan ng mga dinastiya at pagbabago sa lipunan kung saan mara-
ming mamamayan ang nag-ampon ng parehong apelyido para sa proteksiyon o pagkakakilanlan.
Hindi rin nalalayo ang Vietnam sa Pilipinas pagdating sa pagkain dahil kanin din ang pangunahing bahagi ng kanilang pagkain araw-araw.
Huwag ikagulat kung ang unang tanong ng isang Vietnamese ay kung may asawa ka na o ilang taon ka na.
Bahagi ito ng kanilang kultura ng pagiging bukas at palakaibigan. Hindi ito itinuturing na panghihimasok kundi paraan ng pakikipagkapwa at pagbuo ng koneksiyon.
Dinadayo rin ang mga floating market na Cai Rang at Cai Be sa Mekong Ri-ver. Dito makikita ang makukulay na bangka na naglalako ng prutas, gulay at iba pang produkto habang nakalutang sa ilog.
Isa itong buhay na patunay ng tradisyunal na paraan ng kalakalan na nananatiling mahalaga hanggang ngayon.
Kilala ang bansa sa mga underground tunnel na ginamit noong Vietnam War, lalo na ang Cu Chi Tunnels.
Ang mga lagusang ito ay nagsilbing taguan, tulugan, imbakan ng pagkain at maging estratehikong base ng mga mandirigma. Sa kasalukuyan, bukas ito sa mga turista na nais maranasan ang isang bahagi ng kanilang kasaysayan.
* * * * * * * * * * *
Email – [email protected]
- Latest

















