^

PSN Opinyon

Pagtatanim ng repolyo

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ise-share ko po sa inyo ang simple at madaling pagtatanim at pag-aalaga ng repolyo.

Ang repolyo ay masarap at masustansiya. Itinatanim ito mula sa seeds. Pwedeng direkta sa pagtataniman pero mas maganda ay ipunla muna.

Kapag itinanim ng direkta o kaya ay ipunla muna ay bahagyang diligan tuwing umaga at tutubo na ito sa loob lamang araw hanggang isang linggo.

Isa sa paboritong luto ng inyong lingkod mula sa repolyo ay sahog sa nilagang baka at ginisa. 

Napakaraming taglay na health benefits sa ating katawan ng repolyo. Ilan dito ay nakakatulong para mabawasan ang tsansa ng pagkakaroon ng heart disease dahil sa taglay na flavonoids. Mainam din para ma-manage ang diabetes, boost immunity, promotes weight loss, nagpapababa ng blood pressure, improves muscular health, naglilinis ng ating sto-
mach, prevents cancer, pampatibay ng bones at ngipin, mayaman ito sa amino acids na nagpapaganda ng daloy ng dugo sa katawan at marami pang iba.

Magandang itanim ang reployo na direkta sa lupa pero puwede ring itanim sa timba, paso at bote ng mi-neral water kung wala kayong farm o enough space na pagtatamnan.

Sa pagtatanim ng repolyo sa timba ay maaaring maglagay ng isa hanggang dalawang buto at ibaon ng 1-inch sa lupa.

Gusto ng repolyo na direkta itong naaarawan ng hanggang walong oras sa maghapon.

Kapag nasa two weeks na ang pagkakatubo ng repolyo, once a week ay mag-spray na ng Fermented Plant Juice (FPJ) at Oriental Herbal Nutrient (OHN) para lumaking malusog at hindi ito lalapitan ng mga insekto na posi-bleng makapanira rito.

Kapag nasa 50-days na ang tanim na repolyo ay mag-spray ng Fermented Fruit Juice (FFJ) o foliar fertilizer para magsimula bumilog ang gitnang dahon nito.

Sa loob lamang ng 80 to 90-days ay makaka-harvest ka na ng repolyo.

Tiyakin lang na magandang kalidad ng lupa ang pagtataniman na ang kombinasyon ay 60 percent buhaghag na lupa, 20 percent ay vermicast, compost or chicken manure at 20 ay carbonized rice hull o ipa ng palay o cocopeat. 

Ang sikreto ng pagkakaroon ng maganda at malusog na halaman tulad ng repolyo ay mula sa matabang lupa.

Tandaan lang po na laging i-apply ang TLC-Tender Love and Care sa pagtatanim ng mga halaman tulad ng repolyo. 

Bukod sa repolyo ay maraming tanim ang Magsasakang Reporter ng iba’t ibang gulay at fruit trees, pero patuloy pang nagtatanim dahil sa paniniwalang ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain ay dapat magsimula sa ating tahanan, “FOOD SECURITY STARTS AT HOME.

Milyun-milyon nga-yon ang nagugutom, maraming kabataan ang dumaranas ng malnutrition, ang pagtatanim at sariling pagkain tulad ng gulay at prutas ang solusyon.

Nagawa ko po ito, magagawa rin po ninyo. Nawa po sa mga

susunod na araw, linggo at buwan ay may tanim na rin kayo ng inyong sariling pagkain.

Nawa po ay nakapag-share ako ng kaalaman at impormasyon ngayong araw na ito tungkol sa pagtatanim, pag-aalaga ng repolyo

Panoorin po ninyo ang mga video tutorial ko sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPOR-TER tungkol sa step by step na pagtatanim, pag-aalaga at sikreto ng pagkakaroon ng magandang tanim na halaman.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) kaya palagian po kayong umagap ng inyong kopya.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. 

HAPPY FARMING PO, GOD BLESS US ALL.

FARM

FARMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with