Davao City’s 89th, Rody’s 81st
DAVAO CITY ------ Kahapon ay espesyal na araw para sa mga Dabawenyo at ang tanging minimithi nila ay pauwiin na si former president Rodrigo Duterte.
“Bring him home” ang naging tema ng dalawang parada na kapwa nagtapos sa San Pedro Square malapit sa San Pedro Cathedral at Davao City Hall.
Ang tanging hinihingi ng mga Dabawenyo at ng ibang Pilipino ay pauwiin na si Duterte.
Ito ay 89th Araw ng Dabaw habang si dating pangulong Duterte naman ay nagdiwang ng kanyang ika-81 kaarawan sa loob ng International Criminal Court detention facility sa The Hague, Netherlands.
Habang ang Davao City charter celebration ay ginanap kahapon ng umaga, ang Parada Dabawenyo ay ginawa kahapon ng hapon simula alas-4 ng hapon hanggang gabi at sinalihan ng iba’t ibang sector maging ng mga Gen Z.
Ang parada ay dinaluhan din ni Vice President Sara Duterte at mga local official dito at ibang personalidad gaya ni former Comelec commissioner Rowena Guanzon at Cavite Rep. Francisco Barzaga.
Kasama rin ni Sara ang kanyang kapatid na si Mayor Baste at kanilang mga pamangkin na opisyales din ng lokal na pamahalaan.
- Latest




















