Cabinet secretary ‘uhaw’ sa exposure?
Marami na ang nabubuwisit, nagngingitngit at nagagalit sa sobrang kaepalan daw ng government official na ito dahil ang credit para sa mga barangay official eh, gusto pang kunin.
Bulung-bulungan nga sa kanyang opisina, nagpapakilala si government official sa buong bansa dahil may ambisyong tumakbo sa 2028. OMG!.. maaga pa po!
Kailangan ba na ikaw ang humarap at magprisinta sa accomplishment habang ang natrabaho eh ang mga maliliit na pulis?
Ika nga “Give the credit where the credit is due.”
Jusmio marimar, pwede naman sigurong pagtuunan muna ng cabinet official ang malaking issue ng kabi-kabilang patayan at ang naglipanang illegal drugs sa bansa.
May lakas pa ng loob itong si cabinet secretary na sabihing mababa ang crime rate.. Haler....
Isa na rin nga sa pinagtataka ng publiko ay ang pare-parehong kilo at halaga ng mga nasasabat ng mga pulis sa kanilang operasyon.
Bakit nga ba? Bakit ba hindi nauubos ang nahuhuling mga illegal na droga? Mas ‘yan ang dapat na tutukan ng cabinet secretary. Pakilusin ang intelligence network ng pamahalaan para tuluyan nang mapigil ang mga naglipanang illegal drugs.
Sa malamang at malamang ay walang hawak na datos ang opisyal at binubulungan at binobola ng kanyang mga tauhan kaya hindi niya alam ang bilang ng mga namamatay at mga sangkot sa iba pang krimen.
Kung sabagay kung sino malakas ngumatngat ng tenga iyon ang paniniwalaan ni cabinet official.
Tsk, tsk, tsk... sayang ang galing ni cabinet secretary kung hindi niya titignan ang nangyayari sa lansangan. Huwag umano sa isinusubong report.
Huwag maging kampante sa ‘tsutsu’ lalo na pinagmamalaki ni cabinet secretary matagal siyang naging local official sa kanilang lalawigan.
Wag naman puro papogi at Wag Epal!
- Latest
















