^

PSN Opinyon

Krisis sa langis: Meron o wala?

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

Maraming netizen ang nalilito sa mga pahayag ng gob­yerno na wala pa raw krisis sa langis ang Pilipinas.

Ibinatay nila ito sa sinabi kamakailan ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na walang krisis sa langis, na sinundan pa ni Energy Secretary Sharon Garin na nagsabing hindi pa ikinokonsidera sa ngayon na mayroong oil crisis dahil sapat umano ang suplay nito sa bansa.

Ito’y dahil sa nagpupursigi umano ang DOE at gobyerno na hindi mapatid ang suplay ng produktong petrolyo at patunay ang ginagawang negosasyon para sa 440,000 barrel ng langis na maaaring maangkat.

Pinatunayan din ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno na nagsabing nananatiling normal ang suplay at walang krisis sa gitna ng tensyon sa Middle East.

Ang mga pahayag na ito ay tinuligsa ni Kamangga­gawa Partylist Rep. Elijah San Fernando. Tanong niya, kung walang krisis bakit panay ang taas ng presyo nito.

Abnormal lang umano ang naniniwalang normal ang nangyayari sa presyo ng langis sa merkado na umaabot na sa mahigit P110-P120 kada litro. Kung walang aniyang krisis sa langis, bakit may 415 gasolinahan ang nagsara.

Maging ang mga transport group ay nagkakasa ng mga tigil-pasada dahil hindi na umano kaya ng mga driver at ope­rator ang presyo ng petrolyo.

Ilang senador din ang naniniwala na ang bansa ay nasa krisis na at hindi normal ang sitwasyon sa Pilipinas sa mga pagtaas ng presyo.

Maging ang Makati Business Club (MBC) ay nagpaha­yag na ayaw ng pamahalaan na tawaging “crisis” ang kasalukuyang sitwasyon para lang maiwasan ang pag-panic.

Mahirap aniya isipin na walang krisis sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng diesel at patuloy na paghina ng piso laban sa dolyar.

Ramdam ng mga Pinoy na ang bansa ay nasa krisis na at sinasabi lang ng mga nasa pamahalaan na wala dahil maya­yaman umano ang mga ito at hindi ramdam ang mataas na presyo ng langis.

Kung walang krisis sa langis bakit nagdeklara nitong Martes si Pangulong Marcos ng state of national energy emergency.

Kaya dapat din magdeklara ang mga Pinoy kahit sa panaginip lang na magkaroon ng male-maletang pera para may pambili ng krudo at pagkain.

BOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with