Isko hindi na iiwan ang Maynila!
NAKASISIGURO na ang mga taga-Maynila. Hindi na sila iiwan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso lalo pa’t sabay-sabay ang mga proyektong ginagawa sa lungsod upang isakatuparan ang Minimum Basic Needs (MBN) na kinabibilangan ng pabahay, kalusugan, edukasyon, at trabaho.
Katuwang si Vice Mayor Angela Lei “Chi” Atienza at buong Konseho ng Maynila, nakatutok ngayon si Isko sa mga pangangailangan ng mga taga-Maynila na bigong maibigay ng dating namumuno.
Naibigay na rin ang mga allowance ng mga estudyante ng PLM at UDM, gayundin ng mga seniors at mga PWD habang katatapos lang ang raffle ng 50 housing units sa San Lazaro Residences, 25 sa Pedro Gil Residences at 25 sa San Sebastian Residences.
And wait there’s more!
Sinisimulan na ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila College of Medicine. Mapapa “Sana All” ka talaga. Wala nang atrasan kay Isko pagdating sa kapakanan ng mga taga-Maynila.
Madalas nga nitong sinasabi na bilang alkalde, ayaw niyang danasin ng mga taga-Maynila ang kanyang naranasan.
Aminado naman si Isko na “tiwala” sa kanyang pag-iiwanan ang kanyang naging basehan kaya nagdesisyon siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon noong 2022. Subalit aminado itong nagkamali siya sa ‘pagtitiwala’.
Pero ngayon may tila may “tapaojo” na si Isko dahil kahit anong hikayat sa kanya na tumakbo sa 2028, matigas na “No!” ang sagot nito kasunod ng “dito na lang ako sa Maynila”.
Kaya sa mga nagbabalak urutin si Isko, ‘wag epal’.
- Latest















