^

PSN Opinyon

‘STL out na sa Ilocos Sur, baka balik jueteng’

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Ang pagwawakas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Small Town Lottery (STL) operation ng S Grande Corporation sa Ilocos Sur ay nagbubukas ng agam-agam kung may tunay bang pagbabago sa sistema, o pa­balik-balik lang ang siklo ng pagbibigay at pagbawi ng prangkisa.

Ayon sa PCSO, kailangang itigil ng kumpanya ang ope­rasyon sa Marso 31, 7 p.m., at isuko ang lahat ng records, remittances, at kagamitan. Sa opisyal na paliwanag, ba­hagi ito ng regular na pagpapatupad ng patakaran at pagtiyak ng tamang koleksyon ng kita para sa charity funds.

Ngunit sa aktwal na sitwasyon sa iba’t ibang lalawigan gaya ng Ilocos Sur, matagal nang may mga masangsang na isyu ang STL—mula sa umano’y padding ng remittances, leakages sa kita dahil malamang ang operator din ang nagpapatakbo ng “bookies” upang makaiwas sa intrega sa gobyerno, hanggang sa impluwensiya ng mga may interes sa operation.

Dahil dito, marami ang naniniwalang hindi pa rin ganap na nalilinis ang patakbo ng STL.

Kasabay ng termination ng prankisa ng S Grande Corp, nagbukas ang PCSO ng panibagong bidding para sa Ilocos Sur at ibang lugar na rin.

Maaring ito ay pagkakataon para sa mas maayos na pa­mamahala, ngunit wari ng iba, baka gimik lamang ito para papalitan ang operator, hindi ang bulok na sistema nito.

Nakababahala rin ang appeal process, kung saan kaila­ngang magbayad ng non-refundable bond ang mga gus­tong umapela kung inisyuhan ng termination.  Ang bagsak nito, pera-pera pa rin ang mananaig.

Ang pinaka-hindik hindik na scenario na maaring mangyari sa kalalagyan ng STL sa Ilocos Sur at iba pang mga lugar ay baka mitsa ito ng pagbabalik ng jueteng gaya ng nangyari sa Albay.

* * * * *

Para sa komento: [email protected]

PCSO

STL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with