‘Pinay’: Tandang Sora ng Copenhagen
Tinaguriang “Tandang Sora” ng Copenhagen ang retirado nang si Rufina “Pinay” Valenzuela na kabilang sa mga Pilipinong matagal nang nanirahan at nagtrabaho hanggang tumanda sa bansang Denmark.
Itinulad si Pinay kay Tandang Sora dahil sa pagtulong at pagkupkop niya sa mga gipit na Pilipino sa Denmark lalo na iyong tinatawag na mga Au Pair.
Tulad ng alam ng marami, pinapatungkulang Tandang Sora ang rebolusyunaryang Pilipinang si Melchora Aquino na tumulong at kumalinga sa mga katipunerong naghimagsik laban sa pananakop ng mga kastila sa Pilipinas noong 1896.
Ayon sa lumang ulat ng Positively Filipino at ng mamamahayag na si Ana P. Santos sa Pulitzer Center, Denmark’s Au Pair Program, retirado na sa kasalukuyan si Valenzuela na isa sa 49 na manggagawang Pilipina na kinontrata ng isang Singaporean agent sa Maynila para magtrabaho bilang chambermaid sa isang bagong tayong Hotel Scandinavia. Dumating ang 49 na Pilipina sa Copenhagen noong 1973.
Sa hanay ng mga Pilipino sa Copenhagen, kilala si Valenzuela sa palayaw na Tita Pinay. Tulad ng maraming 49ers, isa na siya ngayong retirado. Pero, sa halip na i-enjoy ang kanyang buhay retiro, patuloy siyang aktibo sa pagtulong sa mga Pilipinong nagigipit sa Denmark. Kasama niya sa adbokasyang ito ang kapatid niyang si Pat na nauna niyang tinulungang makakuha ng political asylum sa Denmark makaraang magkaroon ito ng pro-
blema sa gobyerno ng Pilipinas noong 1970s. Sina Pat at Pinay ay nagkakaloob ng kanlu-
ngan, pagkain at suportang moral sa mga au pairs na tumatakas sa abusado nilang host lalo pa at wala pang embahada ng Pilipinas sa Denmark nang panahong iyon.
Ang Au Pair ay isang kabataang dayuhan, kadalasan mula sa ibang bansa, na naninirahan sa isang pamilya upang tumulong sa panga-
ngalaga ng mga bata at sa ilang gawaing bahay kapalit ng libreng tirahan, pagkain, at maliit na allowance. Bukod sa pagiging katulong sa bahay, ang Au Pair ay may pagkakataon ding mag-aral o matuto ng bagong kultura sa bansang kanyang kinaroroonan.
“Hindi lahat ng Dane mababait–’yung iba mapagsamantala sa paggawa ng trabaho. Pero pag nakasuwerte ka, ituturing ka talagang parang kapamilya,” sabi ni Pat sa Ingles.
Dahil dito, inaayudahan nina Pat at Rufina ang mga au pair na lumayas sa kanilang pinaglilingkurang tagatangkilik na pamilya sa iba’t ibang kadahila-
nan. Binibigyan nila ang mga ito ng pansamantalang tirahan, pagkain at ibang pagkalinga. Kabilang silang dalawa sa isang safetynet at action place na inilatag para sa mga nagkapro-
blemang mga au pair.
Ayon kina Pat at Pinay, kahit meron na ngayong mga pagbabago, nagdudulot pa rin ng problema ang reyalidad sa permit to stay at living arrangement ng mga au pair na nakasalalay lang sa pamilyang tumatangkilik sa kanila.
“Hindi naman talaga ito cultural exchange, talagang cheap labor lamang,” sabi ni Pat.
* * * * * * * *
Email- [email protected]
- Latest















