^

PSN Opinyon

Dokumentado na sa Pilipinas ang Scarborough at Spratlys

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Dokumentado na sa Pilipinas ang Scarborough at Spratlys

Ani China Foreign Minister Wang Yi, dalawang dokumento ang batayan ng teritoryo ng Pilipinas. Ito ang 1898 Treaty of Paris at 1900 Treaty of Washington ng U.S. at Spain.

Masabi-masabi, ika nga. Totoong batayan ng teritoryo natin ang dalawang tratado. Pero mali ang pag-unawa ni Wang Yi sa mga ito.

Akala niya saad ng dalawang tratado na ang teritoryo natin ay batay sa geographic coordinates ng 1898 Treaty of Paris. Ibig-sabihin hindi sakop ang Scarborough Shoal at Spratly Isles.

Hindi alam ni Wang Yi na iba ang sinasakop ng ikalawang tratado, ang 1900 Treaty of Washington.

Matapos pirmahan ang 1898 Treaty of Paris, nabatid ng U.S. na hindi nito sakop ang ilang isla ng Pilipinas. Ito ang maliliit na pulo sa Batanes, Cagayan de Sulo, Sibutu, Scarborough Shoal, at buong Spratly isles. Nagpalitan ng mga liham ang U.S. at Spain. Sa huli, nagpirmahan sila ng 1900 Treaty of Washington.    

Saad ng ikalawang tratado na sakop ng islas Pilipinas ang mga pulo sa labas ng 1898 Treaty of Paris. Ibig-sa­bihin, mas malawak pala ang teritoryo ng Pilipinas.

Tatlong mapa ang naging batayan ng U.S.:

- 1734 Murillo Velarde map, na ginuhit ng mga Pilipino sa utos ni Padre Pedro Murillo Velarde;

- 1808 Carta General del Archipielago Filipino, na ginuhit ng Direccion Hidrografia;

- 1875 Carta General del Archipielago Filipino, ginuhit din ng Direccion Hidrografia.

Inangkin ng U.S. ang tatlong mapa at muli itong inilathala nu’ng mga taong 1901, 1902, 1903, at 1904.

Pinapatrolya ni Manuel Quezon ang Scarborough at Spratlys.

MAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with