^

PSN Opinyon

Magkasalungat na proseso

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

KASO ito sa mga naitala sa birth certificate at anong korte ang may kapangyarihang duminig ng kaso. Ano ba ang kailangang gawin para magkaroon ng hurisdiksyon ang korte na itama o kanselahin ang mga maling naka­sulat dito?

Ito ang birth certificate ni Alicia na nerihistro sa civil registrar ng kanilang siyudad. Nakasaad sa birth certi­fi­cate na si Alicia ay pinanganak noong November 12, 1999 bilang pinakamatandang anak na babae ng mag-asawang Rosita Reyes at Artemio Acosta. Noong kumu­kuha siya ng bene­pisyo sa GSIS, nagulat siya na mayroon siyang ibang birth certificate na nakarehistro sa civil registrar na may ibang numero at nakatala na siya ay ipi­nanganak noong November 12, 1938 at ang pangalan ng tatay niya ay Pedro Santos.

Kaya nagsampa si Alicia ng petisyon upang itama ang mga maling ito. Noong dininig ang petisyon nag-file ng “entry of appearance” ang private prosecutor bilang kina­tawan ng Office ng Solicitor General (OSG). Ngunit ito ay na file matapos ang petsa ng pagdinig sa kaso.

Kaya pinayagan ng korte si Alicia lang ang magpri­sinta ng ebidensiya. Binigay niya sa korte ang kanyang voter’s certificate, baptismal certificate at marriage contract na nagpapakita ng kanyang tunay na pangalan at petsa ng kapanganakan.

Pagkaraan nito nagpasya na ang korte at inutusan ang civil registrar na itama ang mga maling naitala sa kanyang birth certificate.

Bagaman nagkomento pa rin ang OSG at hinadlangan ang petisyon ito ay huli na dahil may desisyon na ang korte. Inapila ng OSG ang nasabing desisyon at muling inulit ang kanilang opposition at komento, lalo na ang walang kapangyarihan ng korte dahil hindi sinabi ni Alicia ang mga partido tungkol sa kaso lalo na ang tatay na si Artemio Acosta.

Ngunit kinumpirma pa rin ng CA ang desisyon ng maba bang hukuman. Sinabi ng CA na ang hindi pagsama ni Alicia­ ng mga tamang Partido sa kaso ay naitama na no­ong ang pagdinig sa kaso ay nailathala sa diyaryo na tatlong sunud-sunod na linggo. Tama ba ang CA?

Mali, sabi ng Supreme Court (SC). Ang proseso sa pagtatama ng mga nakatala o nakarehistro sa civil re­gistry ay maaaring buod (summary) o magkatungali (adver­sarial).

Ang pagtatama sa pangalan ng ama o ina sa birth certificate ay tungkol sa importanteng bagay kaya hindi pwedeng ito ay buod (summary). Ang civil registrar o lahat ng taong naapektuhan nito ay kailangang maging partido sa kaso. Hindi ito nagawa ni Alicia sa kanyang petisyon dahil hindi niya isinama sa petisyon ang tatay, at nanay at mga kapatid niya bilang partido.

Alam naman ni Alicia na dalawang tatay ang nakarehistro sa birth certificate. Ang pagsasama niya sa mga ito bilang partido sa petition ay pagbibigay sa kanila ng karapatang madinig dahil ito ay makaaapekto sa kanilang karapatang magmana.

Kailangang may mga makatarungang sirkumtansiya na hindi sila naisama bilang partido tulad ng sapat na pagsisikap na dalhin sila sa korte o kaya ‘yung kamag-anak mismo ang gumawa ng pagtatama sa mali.

Walang mga ganitong nangyari sa kasong ito. Kaya mali ang desisyon ng CA (Republic vs. Timario, G.R. 234251, June 30, 2020).

BIRTH CERTIFICATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with