Ramon Angel: Pinoy architect sa Bahrain
Kabilang sa kinikilalang arkitektong Pilipino sa bansang Bahrain si Ramon C. Angel na tatlong dekada nang nagpapraktis ng kanyang propesyon sa naturang bansa. Kasalukuyan siyang principal architect ng Amiri Engineering Consultancy.
Dito siya ang na-
ngangasiwa sa malalaki at mahahalagang architectural at design-build projects sa Bahrain.
Ayon sa manunulat na overseas Filipino worker na si Ce-
cil Ancheta, si Angel ay lisensiyado bilang Class A Architect ng Council for Regulating the Practice of Engineering Professions sa Bahrain.
Naging mahalaga ang papel ni Architect Angel sa pagdidisenyo at pagpapaunlad ng maraming modelong proyekto sa Bahrain tulad ng Seef Tower, ang unang high-rise building sa the Seef area; Mercure Hotel, isang hospitality gem na nagsanib sa mga kontemporar-
yong disenyo at tradisyunal na Gulf motif; at Dilmun Twin Tower na simbolo ng makabagong office architecture sa Manama at iba pang commercial at residential development sa bansang ito.
Hindi lang nakapag-ambag sa dinamismo ng ekonomiya ng Bahrain ang mga isktrukturang ito kundi ipinamalas ang presensiya ng mga arkitektong Pilipino sa highly competitive design arena.
Noong 2024, napabilang si Angel sa Top Filipino Engineers and Architects in the Middle East na isang pagkilalang nagdidiin sa kanyang impluwensiya hindi lang sa disenyo at liderato kundi pati sa mas malawak na komunidad ng mga propesyonal na Pilipino sa ibayong dagat.
Tagapagtaguyod din siya sa kapakanan ng mga arkitektong Pinoy sa Bahrain at aktibo sa mga organisasyon ng mga kababayan niya rito. Dalawang beses siyang naging presidente ng Bahrain chapter ng United Architects of the Philippines na nagdaos ng mga workshop, aktibidad at mentorship programs na nagpapaunlad sa susunod na henerasyon ng mga arkitekto. Pinangunahan niya ang pagpapatupad ng Special Professional Licensure Examination (SPLE) sa Bahrain.
Sa tulong niya, nawala ang mga dating pabigat sa mga arkitektong Pilipino na kailangan munang umuwi sa Pilipinas para makakuha ng lisensiya.
Aktibo din siya sa mga organisasyon ng mga Pilipiuno tulad sa Knightsof Rizal, Fraternal Order of Eagles at Toastmasters Club.
Sa Abril 16, 2026 sa Maynila, pormal na igagawad kay Angel ang parangal na rank of Fellow ng UAP bilang pagkilala sa kanyang liderato, technical excellence at serbisyo sa publiko.
Kabilang siya sa 26 distinguished no-
minees para sa titulong Fellow at siya ang unang arkitekto mula sa Bahrain na makakatanggap ng prestihiyosong pagkilalang ito.
* * * * * * * * *
Email- [email protected]
- Latest




















