^

PSN Opinyon

‘Karma’ sa Drug Syndicate

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAITUTURING na kayang ‘Karma’ itong pagsadsad ng isang Speed Boat diyan sa baybaying lugar ng Occidental Mindoro nito lamang Martes, Marso 10? Kasi nga naging susi ito para matuklasan ang nilalamang kargamento ng naturang speed boat na nagkakahalaga ng P15 bilyon at tinatayang nasa 2.2 metric tons ng shabu. Aba! Kung nakapuslit na naman ito sa patulog-tulog nating mga kapulisan sa Philippine National Police-Maritime Group siguradong milyong mga Pinoy na naman ang masisira ang ulo at pamu­muhay. ‘Di ba mga suki?

Mabuti na lamang at maagap itong mga kasundaluhan natin matapos na itawag sa kanila ng mga residenteng naka­kita sa sumadsad na speedboat at agad naman natuklasan ang saku-sakong droga na pinaniniwalaang high grade na shabu.

Kaya’t kalat na kalat na ngayon ang usap-usapan na ang droga na malalaking bulto o shipment ay sa pama­ma­­gitan ng mga baybaying lugar sa ating bansa. Kung sabagay hindi naman kayang tanuran ng mga PNP, National Bureau of Investigation at Philippine Drug Enforcement Agency itong 7,600 na isla sa buong bansa. Subalit kung makipagtulu­ngan lamang ang mga kababayan natin sa mga ahensiya ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagnguso sa mga aktibidadis na isinasagawa ng mga sindikato, mapapadali ang pagka-lansag sa mga ito.

Ang masama lang dito, may ilan tayong mga kababayan na ang hangad lamang ay kumita ng datung kahit na alam pa nila na makakasama sa mga kababayan nilang mga Pili­pino. Get nyo mga suki?

Noong mga nakaraang buwan lamang mga suki, ay may mga natuklasan ding mga droga na paulutang-lutang sa mga karagatan na sakop ng Ilocos, La Union, Pangasinan at maging sa Aurora Province. Malinaw na dahil sa higpit ng mga otoridad natin sa pagmamanman sa mga kargamento na ipinararating sa pamamagitan ng North Harbor, Subic Freeport at maging sa Manila international Airport, mas mapapadali na ang pagpakalat ng droga sa bansa gamit ang mga ilang tiwali at mga gahaman na mga mangingisda.

Hindi ko po tahasang inaakusahan ang mga maangingisda natin, ang tinutukoy po nitong mga nagsusumbong satin na iyon lamang mga gahaman at sakim sa barya-baryang datung na inaabot sa kanila ng mga sindikato. Get nyo mga suki?

Kaya’t maituturing na ‘Karma’ nga itong pagsadsad ng speedboat diyan sa may Occidental Mindoro dahil nakatakda na silang mahusgahan ng pinaka-mabigat na parusa. May ilang pa nga sa aking mga kausap na nagsabing panahon nang ipakita ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang kanyang kamandag kontra droga. Kasi kung ang tatay niyang si dating Ferdinand Marcos Sr. ay ipina-firing squad ang isang salot na Tsino sa loob ng Camp Crame abay, pwede na isampol itong 2 Chinese na drug courier na sumadsad ang speedboat lulan ang Bilyon-bilyong droga.

Kasi kung patuloy na nakatali ang kamay nitong si PBBM kontra sa mga Drug Syndicate, hindi malayong mas marami pang mga Tsekwa ang magpapakalat ng droga sa Bansa. Kaya’t sa pagkatuklas sa tone-toneladang shabu at pagka-huli sa 2 Chinese national, palakpakan naman natin itong grupo ng 203rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Brigade, ng 76th Infantry (Victrix) Battalion Brigade Commander Brigadier General Melencio Ragudo.

Kung sabagay mabilis pa sa sikat ng araw na rumespode itong trop ni Philippine Army 2nd Infantry (Jungle Division Commander Major General Ramon Zagala matapos na makatanggap ito ng tawag mula sa mga residente kung kaya’t agad natanuran at na-secure ang mga droga sa loob nang sumadsad na speedboat. Job Well Done Sir! Saludo ako sa inyo!

ng nilalamang kargamento ng naturang speed boat na nagkakahalaga ng P15 bilyon at tinatayang nasa 2.2 metric tons ng shabu.

SUKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with