^

PSN Opinyon

Ang mga kabalastugang panukala ni Sara

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Sa panahon ng krisis, dito nasusukat ang kakayahan at liderato ng ating mga public servants, mula sa local govern­ments, sa lehislatura, hanggang sa pinakamataas na antas ng pamamahala.

Sa panahong ito rin nahuhubaran kung sino ang puro dada, kapos sa talino at kakayahan, at sagarang inutil. Sa kate­goryang ito pumapasok si Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang panayam sa isang fake news agency, nag­bigay siya ng “solusyon” para sa mga OFW na naiipit sa giyera sa Middle East. Buong pagmamayabang niyang sinabi na madali lang magpadala ng eroplano para i-extract ang ating mga kababayang nais lumikas. Hinambing pa niya ito sa ginawa raw nilang pag-renta ng eroplano noong panahon ng COVID-19 upang sunduin ang mga Davaoeñong naipit sa lockdown.

Ngek. Wow, mali! Dios mío! Sobrang magkaiba ang sitwasyon ng pandemya at ng isang aktwal na giyera. Noong COVID-19, bagama’t may travel restrictions, hindi sarado ang mga airspace. Sa gitna ng digmaan, maraming airspace ang hindi lamang sarado, mataas din ang banta sa seguridad dahil sa nagpapalitang missiles at drones, at sa mga fighter jet na nagliliparan mula sa iba’t ibang bansa. Madam, hindi ito parang field trip.

Sa isa namang taped video message, lalong sumayad ang lohika ni Sara. Bawasan daw ang paggamit ng enerhiya gaya ng carpooling at pagbibisikleta. Anak ng karton! Ano, huwag makisabay sa sasakyan ng iba at magbisikleta? Ito ang problema kapag hindi muna inaaral ng isang nag-a­astang lider ang kanyang sinasabi.

Hindi rin naman lusot si President Bongbong Marcos Jr. sa harap ng krisis na ito. Kailangan niyang magbigay ng mabilis na aksyon at solusyon. Maliwanag ang sigaw ng mamamayan: agarang bawasan o suspendihin ang fuel excise tax; palawigin ang subsidies para sa public transport drivers, manggagawa, magsasaka at mangingisda; maglunsad ng libreng MRT-LRT rides; parusahan ang mga abusadong gas stations at companies, at marami pang iba.

Sa panahon ng krisis, kailangang kumilos ang pamahalaan nang buong bilis at husay.

Kung hindi, hindi lamang ang presyo ng langis ang patuloy na tataas, pati ang blood pressure ng mamamayang bwiset na bwiset na sa mga kabalastugan ni Sara. At ito raw ang gustong maging presidente? Naku po!

COVID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with