^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Senior High School Voucher Program, wala nang hokus-pokus

Pilipino Star Ngayon

WALA na raw korapsiyon at magiging malinis na ang implementasyon ng Senior High School (SHS) Voucher Program sa ilalim ng kanyang pamumuno, ito ang tiniyak ni DepEd Secretary Sonny Angara. Ito ay kasunod ng mga natuklasang katiwalian at “ghost students” sa programa noong mga nakaraang taon. Binanggit din niya ang mga ginagawang hakbang kaugnay sa anomalya. Patuloy na hinahabol ang mga sangkot sa SHS Voucher Program. Nakikipagtulungan ang DepEd sa mga awtoridad para sampahan ng kaso ang mga pribadong paaralan at indibidwal na sangkot sa ilegal na paggamit ng pondo sa pamamagitan ng “ghost students”. Pagpapatupad ng mas mahigpit na validation at monitoring process, kabilang ang pagtaas ng evaluation sa mga paaralan mula 10 percent hanggang 20 percent; Gagamit ang DepEd ng Artificial Intelligence (AI) para makita ang mga pattern ng fraud at matukoy ang mga kahina-hinalang transaksiyon; Nakabawi na umano ang ahensiya nang mahigit ?65 milyon mula sa 54 na paaralan na may isyu sa voucher program; Tatanggalan ng akreditasyon at isasailalim sa blacklisting ang mga pribadong paaralan na mapapatunayang sangkot sa SHS Voucher program.

Ayon kay Angara, ang hakbang ay bahagi ng commitment ng DepEd na siguraduhing ang pondo para sa edukasyon ay napupunta sa mga lehitimong mag-aaral. Sumingaw ang anomalya noong Marso 2025 kung saan nabatid na walang naka-enroll sa 12 private schools. Walang naka-enroll subalit nabayaran na ang mga ito ng DepEd. Ang kawawa ay ang ibang estudyante na gustong mag-aral subalit walang kakayahang pinansiyal.

Ayon sa report  1,474,702 senior high school ang nakaenrol para sa school year 2023-2024, ang panahon na nadiskubre ang “ghost students”. Nagsimula ang SHS voucher noong SY 2016-2017.

Ang pinangangambahan ay baka mas malaki pa umano ang halagang nanakaw ng mga tiwali. Pinangangambahan din na magtakipan ang mga personnel at school officials na nag-faci­litate sa SHS voucher program.

Kung tiniyak na ni Angara walang korapsiyon sa SHS voucher program, sana nga ay maging totoo na ito. Sana rin ay panagutin o ikulong ang mga nasa likod ng anomalya. Huwag hayaang masakripisyo ang pag-aaral ng mga estudyan­teng matatalino na umaasa sa SHS voucher program.

Ang DepEd ay isa sa mga ahensiya ng gob­yerno na laganap ang korapsiyon. Katunayan, isa sa mga kinakaharap na kaso ni Vice President at dating DepEd Sec. Sara Duterte ay may kaugnayan sa nawaldas na pondo ng kagawaran. Sinampahan na ng impeachment complaint si Duterte. Sana sa pagkakataong ito, wala nang hokus-pokus sa DepEd.

SHS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with