^

PSN Opinyon

Nag-start sa 500 pesos...Wet Hydroponics Garden

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay  ibabahagi ko po inyo ang isang kabataan o Gen. Z na nahilig sa pagtatanim ng mga halaman sa pamamagitan ng hydroponics method of farming na nagsi-
mula lamang sa limang daang puhunan, pero ngayon ay dalawa na ang green house niya.

Ang aking tinutukoy ay si Denzel Mendoza, owner ng Wet Hydroponics Garden na makikita sa 676, Cambaog, Bustos, Bulacan.

Ayon kay Denzel, nagsimula ang kanyang urban farming hydroponocs journey noong September 2025.

Aniya,  napagkuwentuhan lang nila ng kanyang kaibigan ang hydroponics tapos naging interesado na siya.

“Nanood ako ng mga videos sa social media tungkol sa hydroponics hanggang sa sinubukan ko na rin po sa sarili ko. Lettuce po ang itinanim ko dahil ito na rin po ‘yung pangkaraniwang napapanood ko sa mga nag-hydroponics,” aniya.

Pahayag ni Denzel, libangan at pagkain lamang nila ang kanyang intensiyon noong una pero ngayon ay naging negosyo na niya makaraang tangkilikin ng kanyang mga kaibigan at kapitbahay ang kanyang mga tanim.

Sinabi ni Denzel, dumaan din siya sa iba’t ibang suliranin sa pagtatanim tulad ng problema sa pagiging leggy ng kanyang mga tanim tuwing tag-ulan dahil kulang sa sikat ng araw.

“Kapag sobrang intense naman po ng araw kasi tag-init, parang nalalanta po ‘yung mga halaman,” aniya.

“Kapag kulang po sa araw ‘yung mga halaman, ang ginagawa ko po nagi-ispray ako ng foliar. Kapag naman po tag-init naglalagay po ako ng sunshade net at meron din dalawang clip fan sa loob ng mini-greenhouse na binubuksan ko kapag mainit,” pahayag pa ni Denzel.

Pahayag ni Denzel, ang iba sa kanyang mga ani ay dinadala niya sa mga resellers at ang iba ay binebenta ng direkta sa kanyang mga suki.

Payo ni Denzel sa mga gustong matuto magtanim ay “educate yourself first bago mag anim. Pag-aralan po ‘yung mga basics at parameters,” aniya.

“Starts small, dream big,” sabi pa ni Denzel.

“Kapag gusto po namin mag-salad pipitas na lang po kami sa bakuran meron na. Nagkakaron din po ako ng extra income dito sa mga tanim ko kaya gusto ko po unti-unti palakihin hanggang sa umabot po sa pangarap ko na magkaron ng commercial scale lettuce farm,” pagbabahagi pa ni Denzel.

Ngayong Linggo, Marso 8, 2026 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Denzel sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan, maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng PhilStar Media Group.

Nitong nakalipas na June 20, 2025  ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

GARDEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with