Panukala nina Dy, Marcos manatili ang dynasties
Mula sa unang termino ni Rep. Edgar Erice nu’ng 2001 nagpanukala na siya ng Anti-Dynasty Bill. Wala siyang kaanak sa politika at walang pinoprotektahang dinastiya. Pero lahat ng panukala niya ay binabasura ng Kamara de Representantes.
Peke ang panukalang Anti-Dynasty Bill nina Speaker Faustino Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos, ani Erice. Galing sina Dy at Marcos sa pinakamalalaking dinastiya sa kasaysayan. Hindi maaasahang magsa-batas sila ng papatay sa interes nila.
Binisto ni Erice kung bakit sa panukala nina Dy at Marcos ay maaring 11 na magkamag-anak ang maupo nang sabay-sabay:
l Isa lang ang maaring tumakbo para sa pambansang posisyon – president, vp, senador. Tinuring nina Dy at Marcos na local na posisyon ang kongresista kasi halal daw ito sa mga distrito. Pero sa totoo ay mauupo sila sa iisang pambansang Kongreso.
l Maari kumandidatong kongresista ang magkamag-anak kung magkaibang distrito. Maari sila kumandidato bilang governor o vice-governor ng magkaibang probinsiya.
l Maari kumandidato bilang governor o vice-governor tapos may kandidato rin na mayor o vice-mayor sa siyudad at iba pa ang mayor o vice-mayor sa munisipalidad.
l Maari maging provincial board members at konsehal ang magkamag-anak kung magkaiba ang distrito ng probinsiya, siyudad o munisipalidad.
Bawal sa Konstitusyon ang political dynasties. Kung pumasa ang panukala nina Dy at Marcos, lalo lang mananatili ang mga dinastiya. Huwag asahang isuko ng elitistang politiko ang kapangyarihan. Kailangan sapilitan silang pasukuin ng mamamayan.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest















