Iba ang diwa ng Dabawenyo
MAY isang ugali ang Dabawenyo na kahanga-hanga rin—ang likas na pagka-matulungin kahit na sila mismo ay nahaharap din sa mahirap na sitwasyon.
Kilala ang Dabawenyo sa pagiging maagap nito at tumutulong agad tuwing naaapektuhan ang ibang lugar ng sakuna maging saan man sa Mindanao, Visayas at Luzon.
Nagpapadala agad ng tulong ang mga Dabawenyo saan man ang sakuna. Kung magpapadala nga ng tulong ay lulan sa mga dump truck.
Ngunit walang mukha o pangalang ng mga pulitiko ang nakalagay sa mga tulong na ito kundi “From The People of Davao City”.
Nakakataba ng puso at nakaiiyak nga tingnan ang tulong na pinadadala ngunit walang pangalan ng pulitiko.
Ito ang ugaling sinusunod na rin ng ibang lalawigan at mga local government units. Nagpapadala sila ng relief goods na ang sinasabi ng kanilang mga trucks ay galing sa mga tao ng Davao City at hindi sa mga pulitiko.
- Latest




















