^

PSN Opinyon

Quezon City, mapayapa dahil kay Gen. Silvio!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Happy Birthday Ate Clarise!

****

PINURI ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ang liderato ni QCPD director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio bunga sa maigting na pakikibaka nito laban sa kriminalidad.

Kung tahimik at mapayapa ang siyudad ni Mayor Joy Belmonte sa ngayon, ‘yan mga kosa ay dahil sa sipag at tiyaga ni Silvio at kanyang mga tauhan.

Kaya naman humanga si Nartatez kay Silvio, mga kosa ay dahil sa pagkaaresto nito ng 225 katao sa anti-criminality at anti-drugs operations nito mula February 15 hanggang February 21.

Wow na wow! Umabot sa 50 anti-drugs operations ang ikinasa ni Silvio na nagbunga sa pagkaaresto ng 73 suspects at pagkumpiska ng P841,249 halaga ng droga.

Dipugaaaaa!

Sa paghabol naman ng wanted persons, 71 ang naaresto, at 18 dito ang Most Wanted. Sa illegal gambling naman, 74 ang inaresto at sa kampanya laban sa loose firearms, pito ang inaresto.

“All these operations reflect our unwavering commitment to public safety,” ayon kay Nartatez. “Hindi tayo titigil sa pagpapatupad ng batas—because security and order are fundamental to a progressive society,” dagdag pa ni PNP chief. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang pagpuri ni Nartatez kay Silvio ay matapos gawaran ang QCPD bilang Best Police District sa Metro Manila ng nakaraang PNP Day celebration noong Enero 29 sa Camp Crame. Walang kokontra ha? Ano ba ang sikreto ni Silvio kung bakit hindi makapagpahiga ang mga kriminal, lalo na ang mga sangkot sa droga, at mayamaya ay sa likod ng rehas na bakal na sila?

Wala po, mga kosa! Trabaho lang at malaki ang papel nito ang mahigpit na pagsubaybay ni Silvio sa mga operations hanggang malutas ang kaso. Tuloy-tuloy lang ang lakad o follow-up ng mga operatiba ng QCPD hanggang ma-identify at makasuhan ang mga suspects. Organisado ang mga operatiba ni Silvio.

Ayon kay Nartatez, itong sistema ni Silvio ay “underscores the QCPD’s unwavering dedication and operational excellence in safeguarding communities and upholding the rule of law,” Purbidang yawaahhhhh! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Walang ligtas talaga ang mga kriminal at ‘yaong sangkot sa droga sa pamamaraan ni Silvio. Kapag me nangyari kasing 8 Focused Crimes, matic ang pagtatag ni Silvio ng Special Investigation Team, kasama ang CIDU, CSOU, DACU, at maging ang support units sa Camp Crame tulad ng ACG, HPG, CIDG at Forensic Group upang supportahan ang istasyon sa backtracking at follow-up operations sa kaso.

Ibinigay ni Silvio na halimbawa ang latest na robbery incident sa Fairview kung saan gumagana na ang SIT para ma-locate ang mga suspects.

Kada buwan, nagsasagawa din ng Oplan Galugad sa dalawang istasyon, kung saan nagde-deploy si Silvio ng 100 na tauhan, para galugadin o bulabugin ang mga crime-prone areas nila. Mismooooo!

Lahat naman ng operations vs droga ay iniutos ni Silvio na magkaroon muna ng pre-briefing ng target sa Station Commanders para alam nito kung tama o mali ang ginawa ng mga tauhan nila. Dapat may suot din sila na body-worn cameras. Abangan!

CLARISE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with