^

PSN Opinyon

Illegal drugs, talamak sa Western Visayas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa patuloy na dumarami ang dinadapuan ng trangkaso, sore throat, lagnat at ubo ipinag-utos ni Capiz Governor Fredenil ‘Oto’ Castro ang pagsusuot ng Face Mask sa loob ng Provincial Capitol upang maiwasan ang hawahan sa mga empleyado at maging sa mga tong may mga transakyon sa naturang ahensiya.

Sa tingin ko, hindi lamang dapat na naka sentro ang kautusan ni Castro dahil nararapat lamang na ikumpas na rin nito ang kanyang kamay na bakal sa lahat ng mga ­establisyemento sa buong lalawigan.

Kasi nga, wala namang pinipiling lugar ang mga sakit at lalaganap na sa lahat ng Ilonggo. Sa totoo lang, itong nararanasan nating pananakit ng katawan, pag-uubo at lagnat na may kasamang panlalamig ng katawan ay di dapat na balewalain dahil baka humantong ito sa malalang kalusugan.

Kaya ang payo ng mga awtoridad, ugaliing maglinis nang katawan at palaging pagsusuot ng face mask tuwing lalabas nan ng tahanan upang makaiwas sa sakit hindi lamang sa Capiz kungdi maging sa iba pang lugar sa Western Visayas Region.

Samantala, wala nam,ang patid ang mga accomplishment ng mga kapulisan sa Police Region Office 6 tungkol sa droga. Nitong pumasok ang Pebrero kataka-takang wala nang patid ang isinasagawang buy-bust operation ng mga kapulisan sa Iloilo City.

Kaya nag-iisip ang mga Ilonggo na marami pang mga drogang patagong ibinibenta ng mga dati na ring mga surrenderee sa Oplan Tokhang ng nagdaang administrasyon.

Kung sabagay hindi maipagkakaila yan ng mga hepe ng mga kapulisan na sakop ng Police Regional Office-6 matapos na madakip ang mga high value target sa mga isinasagawang buy-bust operation.

Katulad na lamang sa Sigma, Capiz na kung saan naaresto ang provincial priority target drug personality matapos na magsagawa ng search warrant sa Bgy. Poblacion Sur, Sigma, Capiz kung saan naaresto si Alias “Anthony” na nakumpiskahan ng mga operating team ng P306,000.00 sa tumitimbang na halos 45 grams ng shabu.

Sa pagkahuli kay “Anthony” agad na ginawaran ng commendation ni PRO6 Director BGen. Josefino Ligan ang mga kapulisan.

Sa Iloilo City naman, may magkapatid na nahuli sa buy-bust operation sa Bgy. Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City na kinilala lamang sa mga alias na “Aj” at “Batman” na nakuhanan ng 280 grams ng shabu na nagkakahalaga  P1,904,000.00.

Ayon kay Ligan mga high value target ang magkakapatid at maituturing na madulas sa pagkakalatag ng mga kapulisan, subalit dahil sa matiyagang pagmamanman sa mga ito, nahuli sila.

Samantala, isang Sanguniang Kabataan Chairman ng Iloilo na kabilang sa high value target ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng PRO-6 ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa Bgy. Lawaan, Roxas City.

Matindi itong pag-amin ng SK Chairman dahil ang itinuturo nitong pinagkukunan niya ng shabu ay mismo sa Roxas City. Kaya humihiling na ang mga Ilonggo kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez na ikumpas na nito ang kanyang kinakalawang na kamay na bakal sa PRO-6 para dakmain at ang mga responsableng nagpapakalat ng droga sa Western Visayas.

Abangan!

CAPIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with