Hanging garden...Green pasture hydroponics
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang inspiring na buhay sa pagtatanim ng mga halaman sa pamamagitan ng hydroponics method of farming at magandang “hanging garden” ng isang dating masahista at konduktor ng bus sa Bulacan.
Ang aking tinutukoy ay si Arcie King R. Macapagal na siyang owner ng Green Pasture Hydroponics Supply na makikita sa Block 9, Lot 25 Munich Brown Street, Green States North, Pulong Gubat, Guiguinto, Bulacan.
Si Arcie ay dalawang beses ko nang na-face to face interview at pinuntahan ng team ng Masaganang Buhay sa kanyang garden para itampok o i-featured ang mga magandang ginagawa sa pagtatanim.
Mula noong una kung pinuntahan si Arcie ay marami na ang bagong development sa kanyang garden.
Ang dating masikip lamang na lugar at tatlong tao lamang ang maaaring magpunta at maturuan ni Arcie sa pagtatanim sa pamamagitan ng hydroponics, ngayon ay kasya na 20 hanggang 30 katao.
Ang ginawa ni Arcie sa kanyang parking space na dating taniman ng lettuce ay ginagamit na ve-nue area sa kanyang ginagawa libreng seminar.
Itinaas ni Arcie ang kanyang mga tanim o “hanging garden” kaya habang nagka-conduct ng free actual training ay nasa ilalim ng mga halaman ang kanyang mga attendees.
Mayroon na ring indoor garden set up si Arcie, aquaponics, crayfish at iba pa.
Ayon kay Arcie, nagkaroon na ng katuparan ang kanyang vision dahil sa gabay at patnubay ng Panginoon.
“We have free actual training for beginners, free lunch and free starter kit with lettuce ready for transplant,” ani Arcie.
Sa mga nagnanais dumalo sa free seminar ni Arcie ay magpa-schedule po kayo sa kanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa kanyang FB page na Green Pasture Hydroponics and Supply.
Puwede rin po kayong mag-text sa kanyang cell number na 0961-384-27-88. Text lang po, huwag tawag, magpakilala po kayo, taga saan kayo at sabihin ang concern ninyo.
Sabihin po ninyo na nabasa ninyo dito sa kolum ng Magsasakang Reporter ang tungkol sa kanyang magandang adbokasiya.
Ngayong Linggo, Marso 1, 2026 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Arcie sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng PhilStar Media Group.
Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest
















