^

PSN Opinyon

Problemang populasyon sa planeta ng mga butiki

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAY isang planeta ng matatalinong butiki. Dalawang daan lang sila, 100 lalaki, 100 babae. Bawat isa nabubuhay nang 100 taon. May agwat sila na isang taon; isang babae at isang lalaki lang na magkaedad. Walang namamatay sa sakit, sakuna, gutom, o digmaan.

Sa edad 24 nanganganak ang babae ng lalaking sanggol; sa edad 26 nanganganak ng babae. Hanggang doon lang. Kaya’t bawat taon ay eksakto 200 lang sila palagi.

Tinamaan ng asteroid ang planeta ng mga butiki. Himalang walang namatay. Pero nabago ang hangin at klima. Nag-iba ang takbo ng buhay. Hindi na nanganak ng lalaking sanggol ang babaing edad 24. Hindi na rin nanganak ang babaing edad 26.

Makalipas ang isang taon 198 na lang ang mga butiki. Sa ikalawang taon, 196. Sa ikatlong taon, 194.

Nabahala ang mga butiki. Mauubos ang lahi nila. Nagpulong ang mga matatanda; nagplano kung paano mabuntis at ma­nganak ang mga dapat sa edad 24 at 26. Namigay ng gamot at maraming pabuya.

Wala pa ring nangyari. Naghanda na lang sila na mamatay lahat makalipas ang isang siglo.

Ang laking gulat ng populasyong butiki makalipas ang 10 taon. Ang babaing edad 34 ay nanganak ng sanggol na lalaki. At ang edad 36 ay nanganak ng babae. Magpapatuloy ang lahing butiki!

Nabatid nila na dahil nabago ang hangin at klima, nag-iba rin ang pagpapalahi nila. Naatrasado ng 10 taon. Pero muli naging 196 sila, tapos 198, at sa huli ay eksaktong 200 tulad noong una.

Ganyan ipinaliwanag ng Economist magazine ang moder­nong pag-aanak ng tao. Inaatras na ng mga babae ang pagbubuntis at panganganak. Nagkokolehiyo at nagkakarera muna sila. At suportado sila ng mga magulang at asawa. Pero hindi mauubos ang tao. Maaring bumagal lang ang pagdami. Magpapatuloy pa rin ang sibilisasyon.

SANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with