^

PSN Opinyon

Payo at patnubay sa Year of the Fire Horse

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Payo at patnubay sa Year of the Fire Horse
Sa Chinese metaphysics, Year of the Fire Horse ang 2026 – puno ng liwanag, bilis, at nag-umaapaw na enerhiya.
Pexels.com

Bawat Lunar New Year ay may sariling personalidad. Ayon kay Feng Shui expert Patrick Rey Lim Fernandez ng Yin and Yang House of Harmony sa New World Hotel, ang Year of the Yang Fire Horse ay may bilis at enerhiyang hindi basta-basta.

“This is not a year of moderation; it’s a year of momentum,” paalala niya -- at sa dami ng kaganapang hinabol natin kahit dalawang buwan pa lang ang lumilipas, sigurado akong naramdaman nyo na rin ito.

Ang mga Fire years ay nagliliwanag.  Ang Horse years naman ay umaarangkada.  Kapag pinagsama, kailangan nito ng tapang at malinaw na direksyon. Mas mabilis ang mga desisyon, mas mabilis ang mga oportunidad, at parang itinutulak tayo ng buhay papunta sa aksyon. Pero gaya ng anumang malakas na apoy, may babala: kapag biglang dumagsa ang enerhiya, mabilis ding mapagod at maubos lalo na sa maling landas.

Ang tawag ni Patrick sa tamang diskarte ngayong taon ay disciplined momentum -- ang pag-ayos ng magulo, pag-alis sa nakakapagod, at pag-commit doon lang sa talagang mahalaga. Bilang isang taong matagal nang sumasabay sa agos ng broadcasting, production, at pagiging ina, damang-dama ko ang halaga ng tamang diskarte. Ang apoy ay nagbibigay-liwanag, sigla, at inspirasyon -- pero kailangan din itong alalayan.

Kaya babalik tayo sa Chinese legend ukol sa mga matututunan sa takbo ng Kabayo sa sinaunang Great Race. Hindi bilis ang nagpanalo, kundi diskarte, tamang pacing, at ang talinong malaman kung kailan susugod at kailan hihinto. Habang papasok tayo sa natitirang buwan ng taon, magandang paalala ito: tumakbo nang buo ang loob -- pero may pag-iingat.

Ano ang dala ng 2026 para sa bawat Zodiac animal sign?

Narito ang ilang gabay mula kay Patrick para sa bawat fengshui sign para sa Year of the Horse.

Ang Feng Shui expert na si Patrick Fernandez, ?ang nagpapaalalang sakyan ang momentum ng Fire Horse Year nang may tapang.

RAT – Natural ang ‘liwanag’ at pagsikat mo ngayong taon. Lumalakas ang pagkilala sa’yo, pero bantayan rin ang iyong boundaries.

OX – Darating ang tulong kung hahayaan mong makapasok ito, at mas madaling malalagpasan ang mga pagsubok.

TIGER – Ang paggalaw nang may pag-iingat ang solusyon sa mga magiging hamon ngayong taon. 

RABBIT – Asahan ang dahan-dahan pero tuluy-tuloy na pag-asenso.

DRAGON – May mga delay sa mga plano, pero may mga solusyon namang darating sa mga problema

SNAKE – Ang maayos at malinis na mga diskarte ay magbubunga. Ingatan ang kalusugan.

HORSE – Maging mahinahon at sikaping umiwas sa mga isyung emosyonal o pisikal.

GOAT – Dumadaloy ang biyaya kapag may kooperasyon. Bantayan lamang ang emotional fatigue.

MONKEY – Lumilinaw ang plano kasabay ng pagkilos.  Kumakalma ang emosyon kasabay ng pag-aaral ng mga bagay

ROOSTER – Malakas ang social luck. Piliin lang kung saan gagamitin ang oras.

DOG – Bilang isang Dog din, nakakatuwang malamang sa taong ito, marami tayong matatapos na mga proyekto.

PIG – Lagyan ng sistema ang iyong negosyo at pagpasok ng pera para mas lumaki ang kita.

Sa kabuuan, malinaw ang mensahe: kailangan may diskarte at plano ang pagtakbo ngayong taon para hindi mapagod at masayang ang lakas.
Freepik

Pagdiriwang na ugat ang tradisyon, komunidad, at paggabay

Para sa mga payo kung paano haharapin ang Year of the Horse, puwedeng puntahan si Patrick sa kilalang Yin & Yang Shop of Harmony na isang matagal nang haligi ng classical Feng Shui sa bansa.  Sa paglipas ng panahon, ito ay naging isang cultural anchor --- isang gabay para sa mga pamilya, propesyonal, at negosyong naghahanap ng linaw tuwing paparating ang bagong lunar cycle. Para sa marami, ito ang lugar kung saan nagtatagpo ang tradisyon at praktikal na karunungan.

Habang pumapasok tayo sa isang taon ng apoy at bilis, narito ang isang paalala: ang suwerte ay mas matamis at ang buenas ay pinakamatatag kapag sinasabayan ng sipag at puso.

Sa huli, maaaring ang apoy ang magtulak sa atin pasulong -- ngunit ang ating pasensiya, at puso ang magtatakda kung saan tayo dadalhin. Gong xi fa cai!

----
Sundan ang aming social media accounts @JingCastaneda sa Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok, at Twitter/X.  Ibahagi ang inyong opinyon at suhestyon sa [email protected]

HOROSCOPE

ZODIAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with