^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Pilipinas, isa sa worst sa corruption sa SEA

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Pilipinas, isa sa worst sa corruption sa SEA

NASA 182 bansa ang sinuri na may kaugnayan sa corruption. At sa 182, ang Pilipinas ay nasa ika-120 puwesto. Ito ang kinalabasan ng 2025 Corruption Per­ceptions Index (CPI) ng Transparency International. No­ong 2024, nasa ika-114 na puwesto ang Pilipinas.

Pinakamababa ang puwesto ng Pilipinas sa mga bansa sa Southeat Asia kung saan ang Singapore nasa ikatlong puwesto; Malaysia (54), Brunei (63), Timor-Leste (73), Viet­nam (81), Laos (109), Indonesia (109), at Thailand (116).

Nakakuha ang Pilipinas ng score na 32 sa 100, mas mababa sa global average na 42, at mas mababa rin kumpara sa score nitong 33 noong 2024.

Nanguna naman sa talaan ang Denmark bilang may pinakamalinis na pamahalaan samantalang pinakahuli sa listahan ang Somalia at South Sudan.

Asahan na ang mababang puwesto ng Pilipinas kung ang korapsiyon ang pag-uusapan. Mula nang mag­la­bas ng corruption index ang Transparency International, lagi nang nasa pinakamabang puwesto ang bansa.

May dapat pa bang ipagtaka rito? Sabi ng Malaca­ñang ang mababang puwesto sa corruption index ng Pilipinas ay dahil sa resulta ng mga ginagawang pag­lilinis ng Marcos administration sa mga nakalipas na administrasyon. Nang tanungin kung aling administrasyon, lahat daw.

Ang anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong naka­raang taon ang isa sa maaaring dahilan kaya isa sa pinaka-worst sa corruption ang Pilipinas sa Southeast Asia.

Bilyun-bilyong piso ang ninakaw ng mga private contractors sa pakikipagkutsabahan sa mga korap na opisyal ng DPWH. Tala-talaksan ng pera ang dinideliber sa mga kongresista bilang bahagi ng kickback. Habang nagpapasasa sa pera ang mga korap na DPWH offcials, mga kongresista at senador, ang mga kawawang ma­mamayan ay inaanod ng baha dahil sa ghost flood control projects. Hindi na tinapos ang proyekto sapagkat nakuha na ang bayad. Halimbawa nito ang mga palpak na proyekto sa Bulacan at sa Oriental Mindoro.

Mag-iisang taon na mula nang umalingasaw ang ano­malya sa DPWH, wala pang malalaking isda na naiku­kulong. Nakalalaya pa ang tinaguriang big fish na si dating­ Ako Bicol partylist representative Zaldy Co. Si President Marcos Jr pa ang nag-anunsiyo na kanselado na ang passport ni Co na umano’y nasa Portugal. Pero hanggang ngayon, hindi makita ang kanyang anino.

Meron kayang mas “malaking isda”  na nagkakanlong kay Co at bakit hindi siya maibalik sa bansa?

Hangga’t walang naipakukulong na “malaking isda”, laging nasa pinaka-worst ang Pilipinas sa corruption index sa Southeast Asia. Dapat gawin ito ng pamahalaan.

SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with