^

PSN Opinyon

VP Sara, ikakahon nina Sotto at Ping!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAKAHINGA nang maluwag sina Senate President Tito Sotto at buddy na si Sen. Ping Lacson, ang chairman ng Blue Ribbon Committee, dahil nabigo ang kudeta na nais isalang ng minority sa Senado. Kung nasibak kasi sa puwesto si Boss Tito, t’yak malalagas din si Lacson sa komite n’ya. Gets n’yo mga kosa?

Dahil nanatili ang close buddy noong 2022 presidential elections na sina Boss Tito at Lacson nakaposisyon na silang pangunahan ang impeachment proceedings vs VP Sara Duterte.

‘Ika nga magkaroon na ng proseso dahil ibinabando naman ‘yan ni Boss Tito na titiyakin n’yang mula Lunes hanggang Biyernes ang pagdinig ng kaso. Dipugaaaaa! Forthwith na ito. Mismooooo!

Ang tanong lang, meron kayang sapat na boto ang grupo nina Boss Tito at Ping para tuluyang maligwak sa puwesto itong si Sara sa pagdinig ng Senado? Anong sey n’yo mga kosa?

Kayhirap namang sagutin ang tanong na ‘yan dahil hindi natin alam ang pulso ng mga Senador. Tumpak! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kung sabagay, hindi lang naman ang impeachment ni VP Sara ang inaatupag sa ngayon ni Boss Tito kundi maging ang pagkuwestiyon n’ya sa pagdeklara ng Supreme Court na unsconstitutional ang impeachment ni VP na inihain ng 19th Congress.

Itong pagrereklamo ni Boss Tito laban sa nasabing Supreme Court Resolution ay tila panawagan na maisulong ang Charter Change para mapigilan ang Korte Suprema sa pag­­dagdag ng mga requirements ng isang impeachment complaint. Eh di wow!

Ngunit para sa ibang senador, pang-abala lang ang isinu­sulong na Charter Change ni Boss Tito. Nagmumukha raw na may hidden agenda ang Senado, lalo na’t may natitira pang 2 years bago matapos ang 20th Congress.

Mas lalo sigurong kinabahan si Boss Tito nang unang mapabalitang nakakuha ng sapat na boto itong si Loren Legarda para patalsikin s’ya sa Senate Presidency nitong February. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito.

Marami rin ang nagsasabing sa kabila ng pagkuwestiyon ni Boss Tito sa naging desisyon ng Korte Suprema, naroroon din ang hangarin o ambisyon nitong manatili sa kanyang puwesto bilang Senate president. Mismooooo! Kaya nga panay preparasyon n’ya sa impeachment ni VP Sara eh. 

Nasundan pa ang mga pahayag ni Boss Tito sa Charter Change nang sabihin niya na ang impeachment trial ni Sara sa Senado ay kailangang tapusin agad nang walang delay at dapat madaliin ang proseso nito. Araguyyyyy! 

At sa gitna ng lahat ng ito, may lumitaw namang isang document o draft sa media na inirerekomenda ng Blue Ribbon Committee ni Ping ang pagsampa ng mga kaso laban kina Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, at Joel Villanueva. Dala ito ng pagkadawit ng mga tumestigong opisyales at engineers ng DPWH sa pangalan ng tatlong Senador sa kinamumuhiang flood control project. Purbidang yawaahhhhh!

Sa ngayon, wala pang pinal na recommendation ng DOJ o Ombudsman sa pagsampa ng kaso laban sa tatlong senador. Nagmumukhang hearsay testimony o haka-haka lamang ang basehan ng recommendation ng Blue Ribbon Committee.

Ayon naman kay Lacson, maaaring magkaroon ng pagbabago sa pinal na bersyon ng ulat, ngunit mananatili umano ang nilalaman o substance nito. Dipugaaaaa!

Teka, teka! Kinasuhan na ng contempt of court si Boss Tito! Abangan!

COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with