^

PSN Opinyon

Anino o ‘shadow’ pork barrels

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Anino o ‘shadow’ pork barrels
Cabagan-Santa Maria Bridge - PCO

PINAKAMALALANG uri ng pork barrels ang Unprogrammed Appropriations. Naglilista ang Bongbong Marcos admin ng maha­halagang proyekto pero hindi naman pinopondohan. Halimbawa: mga right-of-way na obligasyon ng gobyerno para magawa ang mga kalye, tulay, riles, at paliparan na iniutang mula sa ibang bansa.

Sa kalagitnaan ng taon, biglang binabago ang mga proyekto sa Unprogrammed Appropriations. Nagiging flood control projects na peke, palpak, at overpriced.

Ganyan ang nangyari sa Unprogrammed Appropriations na P807.16 bilyon nu’ng 2023, P731.4 bilyon nu’ng 2024, at P531.7 bilyon nu’ng 2025.

Nakakapagtaka na ang P50-bilyong AFP Modernization sa 2026 ay nasa Unprogrammed Appropriations. Ibig sabihin walang pera pambili ng barko, eroplano, armas kontra pang-aagaw ng China ng dagat natin. Pero malamang sa kalagitnaan ng 2026 ay gawin ‘yang flood works o iba pang proyektong pagkukumisyonan.

Ganu’n kapabaya ang Marcos admin. Nu’ng 2025 nagpanukala ito ng P50 bilyon din para sa AFP Modernization. Tinap­yasan ng Kongreso ng P20 bilyon para pang flood works. Ang natira para sa armas ay P30 bilyon lang. Hindi umangal si BBM.

Dalawa ang kasamaan ng Unprogrammed Appropriations:

Una, maaring solohin ng Presidente kung saan ilalaan ang bilyon-bilyon. Kung tiwali siya, gagastahin niya ito sa madaling kuhanan ng kickback.

Ikalawa, kung uto-uto ang Presidente, mga mambabatas naman ang magbubulsa ng kickbacks. Kukutsabahin nila ang Cabinet members para partehin ang pera ng bayan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

PORK BARREL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with