^

PSN Opinyon

IntelliFarm Strawberries

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

First-ever in the Philippines

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang first-ever indoor vertical Strawberry Farm in the Philippines. Ang aking tinutukoy ay ang IntelliFarm Strawberries na makikita sa Balagtas Bulacan.

Ayon kay Jayson Fumera, Chief Executive Officer (CEO) at Lewis Yu, Chairman and Co-owner ng IntelliFarm, layunin nilang maka-
tulong sa isinusulong na programa ng pamahalaan kaugnay ng pagkakaroon ng seguridad sa pagkain kaya nila naisipan na mag-invest sa larangan ng agrikultura sa pamamagitan ng pagtatanim ng strawberry.

“At Intellifarm, we innovate with cutting-edge technology, cultivate with sustainable practices, and elevate every harvest to new heights, delivering freshness and quality you can trust,” ani Jayson.

“Dati ay sa Pasig City kami, pero kinaila-
ngan namin lumipat ng Balagtas Bulacan dahil mas malaki, malawak at maaliwalas dito para mapalawak pa namin ang aming production,” kwento pa nila Jayson at Lewis.

Sa ngayon ay mayroong 20,000 na tanim na strawberry sa IntelliFarm at tuloy-tuloy ang kanilang pagbungan.

“Araw-araw ay nakakaani kami ng nasa 100-kilos pero kulang pa sa laki ng demand” ani Lewis.

Marami pang magagandang plano ang IntelliFarm pero kailangan ng tulong at suporta ng gobyerno para maisakatuparan ito. Maaa-ring makontak ang IntelliFarm Strawberries sa 0920-989-20-17 at email na [email protected]

Ako bilang isang Magsasaka, Kolumnista ng Pilipino Star Ngayon (PSN), TV Host at Vlogger, ang katulad ng IntilleFarm ang siyang dapat tinutukungan ng gobyerno para mapalawak pa ang production upang makamit ang pagkakaroon ng “food sufficiency” sa bansa.

Kaya ako ay nanawagan sa Malakanyang, Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na “baka naman po, puwedi ninyong tulungan ang IntelliFarm.

Maraming mau-unlad na bansa ang aking napuntahan, nakita ko na full support ang kanilang gobyerno sa mga magsasaka kaya sagana sila sa pagkain.Sana dito rin sa Pilipinas ay ganyan din ang gawin para makaranas ng ginhawa sa buhay ng ating mga Magsasaka.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan, kasama ng inyong mga tanong at komento, maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag ah, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

STRAWBERRY FARM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with