^

PSN Opinyon

ICONS ng edukasyon at 'internationalization'

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
ICONS ng edukasyon at 'internationalization'
The winners of the Internationalization Leadership Award with CHED Chairperson Dr. Shirley C. Agrupis (third from right) and Commissioners.

Internationalization Champions of Nation-building and Sustainability o ICONS ang pagkilalang iginagawad ng Commission on Higher Education (CHED) sa Higher Education Institutions (HEIs) para sa kanilang bukod-tanging papel sa pagpapa-angat sa kalidad ng edukasyon sa bansa pagdating sa international rankings, global partnerships, at sustainability initiatives.

Sa CHED ICONS Awards 2025, ipinahayag ni CHED Chairperson Dr. Shirley C. Agrupis na “ang ICONS ay hindi lang isang seremonya ng pagkilala kundi isang mekanismo para sukatin ang pag-unlad, panatilihin ang pandaigdigang momentum, at gawing normal ang kultura ng global engagement sa buong sistema ng higher education sa bansa… Hindi na peripheral ang internationalization. Isa na itong pangangailangan para sa pagiging relevant, competititve, at para sa pangmatagalang pag-unlad ng bansa.”

Bilang dating university president, CHED commissioner, at ngayo’y chairperson, masasalamin sa mga dekadang ito ang malalim na karanasan ni Chair Agrupis sa larangan ng higher education.  Paliwanag pa ni Chair Agrupis, ang ICONS ay nagtatakda ng malinaw na pamantayan, ipinapakita kung aling mga institusyon ang umuusad, at kung alin ang nangangailangan ng dagdag pa na suporta.

Kinilala ang Cordillera Association of International Relations Officers (CAIRO) bilang Most Promising IRO Community.

173 na HEIs sa Pilipinas ang nakilala sa major global ranking systems noong 2025. Mas mataas ito ng 82% kumpara noong 2024.  Ayon kay Chair Agrupis, ipinapakita ng pagdami ng bilang ng HEis na mas marami nang mga institusyon ang malaki ang ini-angat ng kanilang mga sistema, kalidad ng edukasyon, at kakayahang makipagsabayan sa buong mundo.  “Ang internationalization ay hindi paligsahan;  ito ay sukatan ng binubuksang mga oportunidad nito sa ating mga estudyante, sa pag-unlad ng ating mga komunidad, at sa pag-angat ng posisyon ng ating bansa sa global knowledge economy.”

Ang pilosopiyang ito ang humahabi sa buong ICONS framework —  mula sa global citizenship hanggang sa sustainability, mula sa kamalayan sa ASEAN hanggang sa leadership awards. 

Tamang mga patakaran na nasa lugar

Unti-unti na ring naisasa-ayos ang mga polisiyang kinakailangan. Kinumpirma ni Chair Agrupis ang ratipikasyon ng Tokyo Convention, na nagtatakda ng pantay na pagkilala sa mga academic qualifications sa buong Asia-Pacific. Isang malaking hakbang ito para sa mas madaling student mobility.

Ngayong 2026, gaganapin ng Pilipinas ang ASEAN Chairship para sa Higher Education, at ang tema sa rehiyon ay Artificial Intelligence.  “Bibigyan nito ang bansa ng kakaibang pagkakataon para gabayan ang ASEAN sa kolektibong tugon sa pagbabago na dulot ng AI sa pagtuturo, pagkatuto, pananaliksik, at paghubog ng workforce.”   

Sa madaling salita, hindi lang tungkol sa nakaraan ang ICONS. Tungkol ito sa pagiging handa para sa susunod na yugto.

Nagwagi ang Mariano Marcos State University ng Sustainability Award at Global Citizenship Award sa ICONS Awards 2025, at kinilalang 1st Runner-up para sa Outstanding International Education Program Award — patunay ng matibay nitong paninindigan sa impactful at sustainable initiatives.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, hinamon ni Chair Agrupis ang ating mga HEI na “gamitin nang husto ang pagtuturo, pananaliksik, at serbisyo publiko upang mas mapalalim ang pakikipag-ugnayan sa buong mundo at gawing konkreto ang epekto ng internationalization para sa kanilang mga estudyante at komunidad.”

Ang hamong ito ay hindi lang para sa mga unibersidad. Para rin ito sa ating lahat na naniniwala na ang de-kalidad na edukasyon at ang gobyerno --- kapag tama ang paraan --- ay kayang magdulot ng tahimik pero pangmalawakang pagbabago sa buhay ng tao.

Ito ang kinabukasang pinapangarap ni Chair Agrupis --- isang hinaharap kung saan ang mga estudyante mula sa malalayong komunidad ay natututo kasama ng buong mundo, kung saan ang lokal na kultura ay iginagalang sa pandaigdigang antas, at kung saan ang serbisyo publiko ay gumagalaw ayon na rin sa impact na naidudulot nito para mapaganda ang buhay ng mga komunidad.

--------

i-Follow ang aking social media accounts JingCastaneda:  Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok, and Twitter.  Para sa inyong mga tanong, kuwento at suhestiyon, mag-email sa [email protected]. 

 

EDUCATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with