^

PSN Opinyon

Pang-view lang, walang papel

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

KUNG talagang malakas ang kaso, hindi ito nag-aabang ng tamang oras sa TV, hindi naghihintay na wala ang isang opisyal, at lalong hindi umiiyak na kesyo ­“hinarangan”. Simple lang ang laban kapag handa ang dokumento, ihain mo. May mga araw na bukas ang opisina. May mga taong naroon para tumanggap. Walang drama, walang eksena.

Eto ang totoo sa likod ng ingay nina Topacio at mga kasamahan niya walang endorser, walang iniwang kopya, at sa totoo lang, parang wala ring balak talagang mag-file. Ang meron lang presscon, kamera, at kuwento.

Ayon pa sa pahayag ni Mike Defensor, na-reject daw ang impeachment complaint nila. Pero teka muna. Paano mare-reject ang reklamo na hindi naman isinumite? Dumating sila ng hapon, e umaga pa lang alam na nilang wala ang Secretary General.

Alam na ang sitwasyon, pero tumuloy pa rin para saan? Para sa media. Para sa ingay? Ikumpara sa Makabayan bloc may endorser, may iniwang kopya. Tahimik pero may laman. Samantalang itong grupo, wala na ngang papel, ang lakas pa ng sigaw na “ni-reject kami”.  Hindi ito tapang. Ito’y palabas. At dagdag pa, iba-iba ang sinasabi ng mga complainant.

Halatang hindi man lang nagkausap nang maayos bago humarap sa kamera. Basta makasakay sa isyu, kahit sabog ang kuwento, kahit halatang peke ang galaw.

Sa laylayan, malinaw ito, kapag may laban ka, ihain mo. Hindi yung nag-iingay ka muna tapos saka mo sasabihing hinarangan ka kahit wala ka namang inabot.

Ito ay pure political theatrics. Sawsaw sa isyu. Propaganda na binalot sa salitang “impeachment”.

Disklaymer: Ang opinyong ito ay personal na pagsusuri batay sa mga pahayag at pangyayaring naiulat sa publiko. Hindi ito nag-aakusa ng krimen at hindi layong manira ng dangal ng sinuman, kundi maglahad ng pananaw para sa mas malinaw na pag-unawa ng mamamayan.

MIKE

TV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with