^

PSN Opinyon

Paputok o katangahan? Gobyernong paulit-ulit ang sabog

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TAUN-TAON na lang, parang sirang plaka ang eksena may putol na daliri, sunog na mukha, iyak sa emergency room, at estadistikang paulit-ulit binabasa sa balita.

May daan-daan ang biktima ng paputok bata, binatilyo, minsan magulang na nadamay lang. At pagkatapos? Wala. Tahimik ulit ang gobyerno, parang walang natutunan.

Ang tanong na ayaw sagutin ng mga nasa kapangyarihan - Bakit pinapayagan pa ang pagbili at pagbebenta ng paputok kung alam na nilang papatay at mamiminsala ito?

May listahan daw ang pulisya ng mga ipinagbabawal na paputok. May “regulasyon” daw. May “monitoring” daw. Eh paano nabibili ito saan binibili ang mga pinagbabawal na paputok?

Bakit parang palengke diumano ang bentahan? Bakit ospital ang bagsakan?  Huwag na tayong maglokohan. Kung may kontrol talaga, walang makakalusot.

Paano?  Simple lang ang sagot na ayaw nilang aminin - May kumikita. May pumipikit. May nagpapalusot.

Samantalang ang gumagawa ng paputok sa kung saan-saan walang permit, walang safety standard, walang pakialam kung may maputulan ng kamay malayang kumikilos. Bakit? Dahil alam nilang mahina ang gobyerno at malakas ang kita.

Hindi aksidente ang nangyayari resulta ito ng kapaba­yaan. Huwag nating tawaging “disgrasya.”  Ang disgrasya, hindi inaasahan. Ito? Alam na, paulit-ulit pa ring pinapayagan.

Kung talagang may malasakit ang gobyerno sa buhay ng mamamayan, matagal nang total ban ang paputok. Ban sa paggawa. Ban sa pagbebenta. Ban sa kalsada.

Wala nang palusot na “tradisyon.”  Walang tradisyong pumapatay ng bata at tinatawag na selebrasyon.

Gobyerno, gising. Hindi kayo bingi ayaw n’yo lang makinig.  Hindi kulang ang batas. Kulang ang tapang.

Habang kayo’y nagkukunwaring nagre-regulate, may mga pamilyang nagdarasal sa ospital.

Habang kayo’y naglalabas ng paalala, may batang umiiyak dahil wala na ang daliri niya. At pagkatapos ng Enero? Move on na ulit.  Hanggang kailan?

Ilang kamay pa ang kailangang maputol bago ninyo sabihing “Sapat na.”  Kung hindi ninyo kayang ipagbawal ang malinaw na pumapatay, ano pa ang silbi ninyo?

Disklaymer: Ang artikulong ito ay isang opinyon na tumatalakay sa pampublikong polisiya at pananagutan ng mga institusyon ng pamahalaan. Hindi ito tumutukoy o umaakusang personal laban sa alinmang indibidwal. Layunin nitong magmulat, hindi manira; maningil, hindi manlibelo.

ENERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with