^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ibawal na ang paputok

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ibawal na ang paputok

MAY batas na nagbabawal sa paputok ang Republic Act 7183 (Firecracker Law) subalit hindi ito naipasusunod. Marami pa rin ang nabibiktima at karamihan ay mga bata.

Noong bago magpalit ang taon, isang bata ang namatay sa Tondo, Maynila nang sumabog ang napulot na paputok. Nagkalasug-lasog pa ang katawan habang sugatan ang kaibigan nang magkasabay na sumabog ang hawak na hitsurang fountain firecracker at piccolo. Ang namatay ay isang 12-anyos na residente ng Almeda St, Tondo habang sugatan naman ang kaibigang Grade 7 na 12-anyos din, residente ng Yuseco St., Tondo. Ayon sa ulat ng Jose Abad Santos Police Station 7, naganap ang insidente bandang 8:23 ng gabi sa  A. Lorenzo Street, Jose Abad Santos Avenue.

Malagim ang sinapit ng dalawang bata. Ang ganitong pangyayari ay naiwasan sana kung ibinawal nang tuluyan ang paputok. Kung gumawa sana agad ng hakbang ang mga awtoridad hindi sana nangyari ito.

Ayon sa mga pulis, hindi pangkaraniwan ang paputok na napulot ng mga bata. Masyadong malakas na kayang gumiba ng pader at mga salamin. Inaalam ng pulisya kung saan nanggaling ang paputok.

Ngayong pagsalubong sa 2026, naitala ang 235 na biktima ng mga paputok. Kung ang pagbabasehan ay ang mga biktima sa mga nakaraang taon, mataas ito.

Noong 2021, 33 ang biktima ng paputok; 2022, 96 ang biktima; 2023, naitala ang 124 na biktima; noong 2024 ay 140 at noong 2025 ay 188.

Hindi na dapat maulit ang malalagim na pangyayari na may kaugnayan sa paputok. Ipagbawal nang tuluyan ang malalakas na paputok upang maiwasan ang kamatayan lalo na ang mga bata. Hindi na dapat panghinayangan ang kikitaing buwis sa paputok kung ang kapalit naman ay buhay.

Bukod sa malalagim na kamatayan at sunog na dulot ng paputok apektado rin ang kalidad ng hangin dahil sa air pollution.

Ibawal ang paputok para sa kaligtasan ng lahat.

FIRECRACKER LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with