^

PSN Opinyon

Overtime ng health workers

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

SINA Lina, Lorna, at Jessa ay nagtatrabaho sa isang ospital. Si Lina ay isang nurse, si Lorna ay doktor, at si Jessa ay dentista.

Sa kanilang araw-araw na gawain, karaniwan nang uma­abot sa higit walong oras ang kanilang trabaho, lalo na kapag may biglaang emergency o mga pasyenteng nanganga­ila­ngan ng agarang atensyon.

May mga pagkakataon ding inaabot sila ng gabi o mada­ling-araw sa ospital dahil hindi nila maaaring iwanan ang mga pasyente sa gitna ng gamutan.

Kahit walang malinaw na utos mula sa pamunuan na mag­trabaho sila lampas sa takdang oras, patuloy pa rin silang naninilbihan bilang pagsunod sa etika at responsibilidad ng kanilang propesyon.

Naniniwala ang tatlo na makatarungan lamang na bayaran sila ng overtime sa mga oras na sila ay nagtrabaho nang lampas sa itinakdang walong oras.

Dahil dito, maayos nilang itinala ang aktuwal na oras ng kanilang serbisyo at pormal na humiling sa ospital na sila ay bayaran ng kaukulang overtime pay.

Gayunman, tinanggihan ng ospital ang kanilang kahilingan.

Ayon sa pamunuan, kusang-loob lamang daw ang kani­lang pananatili sa trabaho at hindi naman sila direktang inu­­tusan na magtrabaho nang lampas sa oras, kaya wala raw obli­gasyon ang ospital na magbayad ng overtime.

Mali. Ang trabaho ng mga health worker tulad ng nurse, doktor, at dentista ay likas na walang tiyak na oras ng pagta­tapos, sapagkat ang kalusugan at buhay ng pasyente ang laging inuuna.

Dahil sa propesyonal na etika at tungkulin, wala silang tunay na kalayaang umalis agad kapag may pasyenteng nanga­ngailangan pa ng kanilang serbisyo.

Hindi sapat na dahilan ang kawalan ng pahintulot upang ipagkait ang overtime pay, lalo na’t malinaw na nakinabang ang ospital sa kanilang ginawang serbisyo.

Makatarungan at nararapat lamang na bayaran ang kanilang overtime bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at dedikasyon (PNR vs. CIR 57 SCRA 302).

WORKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with