^

PSN Opinyon

Pagbabalik ng asawa

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Ayon sa mga moralista, kung wagas at tunay ang pag-ibig ng isang tao, iisa lamang ang nararapat niyang mahalin. Subalit kung sa kasawiang-palad ay pumanaw o inakalang pumanaw ang taong kanyang minahal at pinakasalan, pinahihintulutan ng batas at ng lipunan na siya ay magmahal muli.

Ngunit paano kung ang inakalang patay ay biglang mag­balik? Maaari bang pagsabayin ng isang babae ang dalawang lalaking kapwa niya minahal? Ito ang isyung tatalakayin natin ngayon.

Si Susan ay kasal kay Vic, isang empleyado ng U.S. Navy. Dahil sa kanyang trabaho, madalas maiwang mag-isa si Susan sa pagpapalaki ng kanilang anak.

Tumagal ang ganitong kalagayan sa loob ng labing walong taon hanggang sa muling madestino si Vic sa ibang lugar noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at mula noon ay hindi na siya nakabalik.

Dahil dito, umuwi si Susan sa kanilang probinsya, kung saan napag-alaman niyang patay na umano si Vic. Bumalik siya sa Maynila upang maghanapbuhay at matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Sa Maynila niya nakilala si Berto.

Maraming saksi ang nakakita sa pag-usbong ng pagma­mahalan nina Susan at Berto hanggang sa tuluyan na silang nagsama sa iisang bubong. Bunga ng kanilang pagsasama, nagkaroon sila ng dalawang anak.

Maayos na sana ang kanilang pamumuhay nang bigla na lamang bumalik si Vic. Nang malaman niya ang relasyon nina Susan at Berto, dahil sa matinding galit ay kinasuhan niya ang dalawa ng adultery.

Ipinagtanggol ni Susan ang kanyang sarili sa pagsasabing hindi siya maaaring managot sa kasong adultery sapagkat inakala niyang patay na si Vic. Dagdag pa rito, iniwan siya ng kanyang asawa nang walang anumang suporta para sa kanilang anak.

Ang pangunahing tanong na sinagot ng Korte Suprema ay kung sapat ba ang pag-aakala sa pagkamatay ni Vic upang hindi managot sina Susan at Berto sa kasong adultery.

Ayon sa malinaw na probisyon ng batas, maaaring managot si Susan sa salang adultery dahil sa kanyang relasyon kay Berto.

Gayunman, ipinasiya ng Korte Suprema na maaaring ibaba ang kanyang sentensiya sapagkat nagawa niya ang nasabing relasyon sa paniniwalang patay na ang kanyang asawa, lalo na’t hindi man lamang ito sumulat o nagbigay ng anumang palatandaan na siya ay buhay pa.

Isinaalang-alang din ng hukuman ang katotohanang kinailangan ni Susan na suportahan ang anak niya kay Vic, kaya’t siya ay napilitang kumapit sa patalim. (Circumstantial Victim, U.S. v. Alberto & Regala, CA, 47 O.G. 2436)

ASAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with