^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Lugi ang taumbayan sa absent na mambabatas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Lugi ang taumbayan sa absent na mambabatas

MAHIGIT isang buwan nang hindi nagpapakita sa Senado si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. Nob­yembre 11 nang magsimula siyang mag-absent sa Senado. At walang nakakaalam sa kanyang kinaroroonan. Noong nakaraang linggo, sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na naispatan daw sa Pampanga si Bato. Ganunman, walang makapagpatunay na nasa Pampanga nga siya.

Kailangan siya sa Senado sapagkat isa siya sa kina­tawan sa bicameral conference committee. Nagsimula ang bicam noong Disyembre 13. Mahalaga na naroon siya sapagkat tinatalakay ang budget para sa 2026. Masyadong busy ang mga senador sa mga panahong ito. Malapit na ring magbakasyon ang mga senador dahil sa holiday season.

Dahil sa matagal na pag-absent ni Bato, nagbabala si Se­nate President Tito Sotto na maaaring magsampa ng reklamo sa ethics committee laban sa senador. Ayon kay Sotto, wala raw siyang alam kung nasaan si Dela Rosa. Maski ang ibang senador ay wala ring nalalaman sa kinaroroonan ni Bato.

Ang taumbayan ang natatalo dahil sa pag-absent ng mambabatas. Walang ginagawa ang mambabatas pero patuloy ang suweldo. Ang suweldo ng mambabatas ay galing sa buwis ng taumbayan. Patuloy ang suweldo subalit hindi nagtatrabaho. Kaya kung pa­tuloy na mag-a-absent si Bato, malaki ang matatalo sa taum­bayan.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang isang senador ay sumasahod ng mula P294,000 hanggang P380,000 depende kung anung komite ang hinahawakan sa Senado. Binabayaran din ang mga staff ng senador, kasama na ang iba pang gastos sa kanilang opisina. Ang isang senador ay kada­lasan may apat na staff o higit pa. Ang mga staff ng senador ay nasa salary grade 11 to 18; o katumbas ng humigit kumulang P12,000 to P54,000.

Nagsimulang mag-absent si Bato matapos na luma­bas ang report na nag-isyu na ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa kanya. Ka­bilang si Bato sa iniuugnay sa kampanya laban sa illegal na droga ng admi­nistrasyong Duterte kung saan nasa 6,000-30,000 katao ang namatay.

Noong Marso 11, 2025, sinilbihan ng warrant of arrest si dating President Duterte at dinala sa The Hague, The Netherlands kung saan, kasalukuyan siyang naka­kulong sa ICC facilities.

Nararapat magpakita si Bato at tupdin ang kanyang trabaho sa Senado. Wala namang warrant of arrest na isisilbi ay kung bakit agad-agad siyang naglaho.

ABSENT

SENATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with