^

PSN Opinyon

SALN nina BBM, Sara ilabas para masuri

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nu’ng 2020 itinago ni noo’y Ombudsman Samuel Martires­ ang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth ng ma­tataas na opisyales. Una na ru’n sina President Rody Duterte at Davao City mayor Sara Duterte. Itinago rin ni Martires ang sariling SALN, at ang sa mga miyembro ng Gabinete, COA, Comelec, PSC.

Masasabing nakapagpabilis ‘yon sa pagkabulok ng sis­tema. Nauwi sa P1.7-trilyong pagdambong sa flood control funds. Nagpalakas ng loob ng mga tiwali sa Customs, BIR, DPWH, DepEd, DOH, Senado, Kamara de Representantes, at mga mahistrado.

Pumalit kay Martires nu’ng Oktubre 2025 si bagong Ombudsman Jesus Crispin Remulla. Nabuhayan ng loob ang mga imbestigador ng katiwalian sa pahayag niya. Itataguyod daw niya kasi ang kahalagahan ng SALN bilang sandata sa pananagutan sa serbisyo publiko.

Agad naglantad ng SALNs sila Senador Risa Hontiveros, Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Ping Lacson, at Tito Sotto. Napi­litang gumaya ang 19 iba pa.

Nakapagtataka na ang dalawang pinaka-mataas na opisyal ay nagpatumpik-tumpik.

Sabi ni President Bongbong Marcos ilalabas daw niya ang SALN “batay sa mga alituntunin” ng itinalaga niyang bagong Ombudsman. Ano ba talaga, BBM, ilalabas mo o hindi?

Tinuya ni VP Sara Duterte ang motibo ni Remulla. Kesyo raw dati nang nilabas ni Martires ang SALNs ng lahat kaya bakit pa nagpapapogi si Remulla. Isa ka pa, Sara, magiging transparent ka ba o malihim?

Ang alam lang ng madla ay, bilang administrator ng Marcos family estate, may utang si BBM na P204-bilyong estate tax.

Isa sa pitong impeachment case ni VP Sara ay ang hindi pagdeklara ng P2.2-bilyong deposito sa banko.

SALN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with