^

PSN Opinyon

‘Blockchain’ solusyon sa kurakutan sa gobyerno?

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MARAMI  ang nabibighani sa “blockchain”. Ngunit ang kara­miha’y hindi talaga naiintindihan ang teknolohiyang ipinupursige ng gobyerno.

Sa katunayan, sa Baguio City nga’y naumpisahan na ang paggamit ng blockchain ng lokal na pamahalaan sa gitna ng tila kulang sa kaalaman na taumbayan.

Samantalang pinagpipilitan din ng ilang mambabatas ang paggamit ng blockchain sa pag-monitor ng badyet ng bayan, tila nakakalimutang tanungin ang pinakamahalagang bagay: Ligtas ba tayo sa panibagong paraan ng panlilinlang?

Ang blockchain nga ba ay “magic wand” laban sa korapsyon?

Ayon sa mga masusing nag-aaral ng panibagong tek­no­lohiya, habang kaya ng blockchain technology na gumawa ng permanenteng record, hindi ito itinatama kung mali o peke ang datos na ipinasok.

Sa dulo mawawalang-saysay ang pakay ng buong sistema. 

Ang masahol, ang kasinungalingang naipasok na sa sis­tema ay hindi mawawala—mas lalo pang tatagal.

Kapag fake ang transaksyon, fake din ang record—at walang makakapigil dito kung hindi tapat ang mga taong nagpapatakbo sa likod nito, ika ng dalubhasang Art Sama­niego nang inaral nito ang blockchain system.

Mas masahol pa, maraming blockchain systems na ma­aring gamitin ng gobyerno ay nag-uulat pagkatapos na ng transaksyon. 

Ika nga, patay na ang kabayo bago pa man isinara ang kuwadra. Tapos na ang anomalya, saka pa lang nagre-record.

Malaking katanungan din kung sino ang may kontrol sa sistemang ito. 

Kung isang pribadong kompanya ang nagbigay at siya rin ang may access sa data, walang transparency—kundi ma­­uuwi sa bagong anyo ng kontrol at panloloko.

Ipinapaalala na hindi dapat paikutin ng teknolohiya ang taumbayan, dahil ang blockchain ay hindi panangga sa kasinungalingan. Kung mali ang input, mali ang output. 

Kung hindi natin babantayan, baka sa halip na sugpuin ang korapsyon, maging “digital armor” pa ito ng mga man­da­raya’t kawatan.

* * *

Para sa komento, i-send sa: [email protected]

BLOCKCHAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with