^

PSN Opinyon

‘Paihi’ sa Batangas, ipasara mo Gov. Santos-Recto!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAGTALSIKAN ang laway na nagsisigaw si Batangas provincial director Col. Geovanny Sibalo na walang sugal sa peryahan sa kanyang sakop. Kaya naman nairita si Sibalo dahil palaging laman ng social media ang peryahan sa Ba­tangas, na ang nasa likod ay si Aling Tessie, ang perya queen ng Calabarzon. Ang masama pa n’yan, nadadamay ang butihing Gov. Vilma Santos-Recto sa isyu.

Ayon sa report, ang mga peryahan ay matatagpuan sa Lemery, Apacible sa San Nicolas, San Roque sa Bauan, Santiago sa Malvar, Padre Garcia, Magapi sa Balete, Darasa sa Tanauan City, San Roque at San Rafael sa Sto. Tomas City, Lobo at Lipa City. Ang dami ah!

Ayon kay Sibalo, nagsagawa s’ya ng mahigpit na validation at napatunayan na walang sugal sa perya sa kanyang huris­diksiyon. Eh di wow! Naniniwala na bang walang peryahan sa Batangas, Boss Sgt. Paquito Chan, the winning bidder? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Binanggit din ni Sibalo sa kanyang post ang “paihi” ope­ration sa Batangas subalit hindi s’ya masyadong nag-elabo­rate dito. Sinabi naman ng mga kosa ko na namumulaklak ang “paihi” operation ng isang alyas Joel sa Batangas at mukhang bulag ang mga ipinadala ni Sibalo para ma-validate sa mga ito.

Ang krudo ni Joel, ayon sa mga kosa ko, ay galing sa Malaysia at China. Sinasabubong ng motorized bangka ni Joel ang mga barko sa dagat at tina-transfer ang karga nitong krudo at dinadala sa mga bodega nito sa Batangas kung saan may naghihintay na buyer.

Ang krudo mga kosa na ibinebenta ng mga opisyal ng barko ay ‘yung tira sa kanilang biyahe at papalitan na ng bago. Siyempre, mababa na ang presyo sa pagbili ni Joel dahil extrang kita na ito ng opisyal ng barko. Kaya tiba-tiba si Joel. Ganun na nga! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Para sa kaalamam ni Gov. Santos-Recto ang “paihi” ope­ration ni Joel ay matatagpuan sa Bgy. Payapa, sa Nasugbu; Bgy. Salong sa Calaca; Bgy. Nagsaulay at Bgy. Subukin sa San Juan at naglipat bakod pa sa Bgy. Quisquis sa Sariaya, Quezon. May puwesto rin si alyas Balita sa Compound ng Red Sun Beach Resort sa Bgy. Simlong sa Batangas City.

Teka, teka, Calabarzon police director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, ang “paihi” naman nina Amang at Aldo, na miyembro ng Violago syndicate at sa Bgy. Bancal, Carmona City, Cavite, at ang kay Amigo ay sa Maharlika Highway, Bgy. San Antonio 1, sa San Pablo City, Laguna.

Abayyy namumulaklak ang “paihi” operation sa Calabarzon at tiba-tiba si Boss Paquito dito. Ano sa tingin mo kosang Adlawan? Kaya pala hindi na pinapansin ang sugal-lupa sa Calabaron dahil sa “paihi” pa lang ay bawing-bawi na si Boss Paquito. Mismooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Dapat kumilos na si Gov. Santos-Recto para mapatigil na itong ‘paihi’ dahil hindi lang ito economic sabotage kundi delikado din para sa mga constituents n’ya kapag aksidenteng masunog ang mga bodega nito.

Huwag nang utusan ni Gov. Santos-Recto si Sibalo dahil tiyak negatibo na naman ang validation nito. Kung nalinis ni Sibalo ang Batangas ng peryahan sa “paihi” kaya? Kapag hindi maiangat ni Sibalo ang kamay na bakal niya laban sa “paihi” dapat sibakin na siya sa puwesto. Abangan!

GOVERNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with