^

PSN Opinyon

Nakalimutan at nakaligtaan

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG may bagay na nakalimutan o nakaligtaang i-factor in ang administrasyon ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. Ang hagupit nang matinding pagbaha na naging sanhi ng pagka-expose ng mga anomalous flood control projects na sini­sisi sa pamahalaan dahil sa nangyaring massive corruption.

Talagang mahirap labanan ang bangis ng bagyo at anu­mang kalamidad na tumatama sa atin. Naging daan ito nang pagkaalam ng sinasabing budget insertions. Umaabot sa mahigit trillion pesos ang nakukuha ng mga korap na opisyales.

Siguro sa pagpaplano nila kung paano kumalimbat sa kaban ng bayan ay hindi nila naisali o na factor-in na may paraan din ang kalikasan na sirain lahat ang plano nila. Matinding hagupit ng Bagyong Tino at ang magkasunod na malalakas na lindol na tumama sa Cebu province at Davao region.

Hindi lang sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga naapektuhang residente, may iba pang bagay na haharapin ng pamahalaan na hindi madaling ipaliwanag—mga pangyayari gaya ng bagyo at lindol.

Nagpakita lang ang sitwasyong ito na hindi kayang kala­banin pag galit na si Inang Kalikasan. Talagang madidis­karil ang anumang plano ng mga gumagawa ng milagro sa pamamagitan ng budget insertions.

Mas matindi si Inang Kalikasan at wala talagang kawala ang mga gumagawa ng masama sa mga Pilipino.

CORRUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with