^

PSN Opinyon

Noon ‘bayanihan’, ngayon ‘bash-anihan’

PULSOhan - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

Noon, pagkatapos ng bagyo, ang unang tanong ng mga Pilipino ay: “Sino ang tutulungan natin?” Ngayon, tila nagbago na — “Sino ang iba-bash natin?”

Dati, nagdadamayan tayo. May dalang bigas, kumot, at pag-asa. Ngayon, cell phone ang sandata at komento ang bala. Ang dating “bayanihan” ay napalitan ng “bash-anihan”.

Sa panahon ngayon ng social media, parang lahat ay may lisensiya nang maging hukom. May sariling korte sa Facebook, TikTok, at X. Hindi na kailangan ng ebidensiya — basta trending, may hatol agad. Hindi mahalaga kung totoo o hindi, basta nakagagalit at may views.

Nakalulungkot dahil ang likas na malasakit ng Pilipino ay napalitan nang mabilis na paghusga. May mabuting layunin sana ang iba, pero nauuwi sa panlalait. Ang “cancel culture” ay nagiging laro at ang paghuhusga ay parang libangan.

Mas masaklap, pati pulitiko ay nadadala sa ganitong kala­karan. Imbes na tumulong, ginagamit pa ang kalamidad para manira ng kalaban. Naging maagang social-media war sa gitna ng trahedya. Wala ring lusot pati mga kontratista na sumu­nod lang sa proyekto — hinusgahan agad na parang kriminal.

Ang tunay na lider ay inuuna ang kapakanan ng nasa­sakupan bago ang sisihan. Sa panahon ng trahedya, kaila­ngan ang pamumuno at direksyon — hindi drama. Kailangan nang malasakit, hindi social-media ranting.

Si Cebu Governor Pam Baricuatro ay baguhan sa puwesto at kulang sa karanasan, kaya imbes magtrabaho, mas abala sa pag-post at paninisi sa halip na umaksiyon.

Sa Cebu, libu-libo ang nasalanta ng pagbaha — 150 ang namatay at 57 ang nawawala. Umabot sa 20 metro ang taas ng tubig, gayong 5-10 metro lang ang disenyo ng flood-control.

Tama si DPWH Sec. Vince Dizon — kailangan na ng “dam” at bagong sistema, hindi lang sa Cebu kundi dapat isama na rin ang ibang probinsiya.

Imbes mang-bash, magtanim tayo ng kahoy. Kalbo na ang kabundukan ng Cebu—ang solusyon sa baha ay hindi poot kundi punla. Kapag puso ang bumaha ng malasakit, doon lang tayo tunay na makababangon.

* * *

Para sa mga komento at suhestiyon, mag-text sa 09818100000.

BAYANIHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with