^

PSN Opinyon

Edukasyon o eksperimento?­

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI na lingid na ang karamihan sa mga estudyante n­gayon, mula elementarya hanggang kolehiyo, ay hirap intindihin ang kanilang mga aralin. Hindi ito insulto. Ito ay reyalidad.

Sa bawat silid-aralan, may mga batang nagdadala ng sandamakmak na libro, pero kakaunti ang tunay na natututunan. Ang tanong: sino ang may sala?

Una, tingnan natin ang sistema. Sa halip na malinaw at makabuluhang pagtuturo, binubomba ng sobrang dami ng subjects ang mga bata  parang gusto ng curriculum na gawing encyclopedia ang utak ng estudyante.

Pero sa totoo lang, hindi lahat ng librong ‘yan nababasa o nauunawaan. Lalo pa kung ang mga aralin ay masyadong teoretikal, malayo sa tunay na buhay, at tinuturo lang “para matapos.”

Pangalawa, hindi natin puwedeng iwasan ang isyung maraming guro at propesor ang hindi talaga tugma o ­kwalipikado sa kanilang subject. Oo, may mga dedikado at matitinong guro saludo tayo sa kanila.

Pero hindi rin natin maikakaila na may ilan na napasok lang dahil sa kakilala o dahil kulang ang supply ng teacher sa rural schools. Ang resulta estudyanteng nalilito, walang gabay, at nagtatapos na walang matibay na pundasyon.

At pangatlo, huwag tayong magbulag-bulagan kasalanan din ito ng gobyerno. Ang edukasyon sa Pilipinas ay parang ginawang laruan ng mga policymaker. Palit nang palit ng curriculum, dagdag nang dagdag ng subject, puro “reform” sa papel pero sablay sa implementasyon.

Wala namang saysay ang “K-12” o kung anong bagong programa kung kulang pa rin sa training ang mga guro, kung outdated ang mga libro, at kung gutom ang mga bata habang nag-aaral.

Ang edukasyon natin ay hindi dapat eksperimento. Hindi dapat ginagawang laboratoryo ang utak ng kabataan. Kung gusto nating umahon ang bansa, ayusin muna natin ang pundasyon ang paaralan, ang guro, at ang mismong direksyon ng edukasyon. Dahil habang patuloy nating pinapabayaan ito, nagmamanufacture lang tayo ng mga graduate na hindi handa sa totoong mundo.

At kapag dumating ang panahong puro diploma pero kulang sa diskarte at kritikal na pag-iisip ang lumalabas sa mga paaralan ‘wag tayong magtaka kung bakit walang umaasenso, at bakit ang mga marurunong ay umaalis sa bansa. Hindi ito problema ng estudyante. Problema ito ng sistema. At oo, kasalanan din ito ng gobyerno.

DISKLAYMER: Ang artikulong ito ay opinyon ng may-akda. Layunin nitong pukawin ang isipan ng publiko hinggil sa mga problema sa sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas. Hindi ito naglalayong manira ng sinumang institusyon o indibidwal, kundi hikayatin ang pananagutan at reporma para sa kabutihan ng mga estudyante at ng sambayanan.

KOLEHIYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with