^

PSN Opinyon

Cigarette smuggling at droga, sinibak ni Gen. Ardiente!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SA nakalipas na dalawang buwan, nakapagtala ang mga tauhan ni PRO12 director Brig. Gen. Arnold Ardiente ng malakihang tagumpay sa kampanya laban sa ismagel na sigarilyo at illegal na droga. Ayon kay Ardiente, naging gabay n’ya sa kanyang tagumpay sa buwan ng Setyembre at Oktubre ang mantra ng liderato n’ya na “Service Beyond Our Badge.”

Sinabi ni Ardiente na sa ilalim ng naturang programa, isinusulong ang isang Alternative Policing Approach- ang isang uri ng pamumuno na pinagsama ang mahigpit na pagpapatupad ng batas at aktibong pakikipag-ugnayan sa komunidad upang mapangalagaan ang buhay, kabuhayan, at tiwala ng publiko. Eh di wow!

Idamay na natin mga kosa ang Focused Agenda ni Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr., na Enhanced Managing Police Operations (EMPO) kung saan pinatunayan ng SOCCSKSARGEN region ang kanilang matatag na panindigan sa operational excellence, transparency at disiplina. Dipugaaa! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon kay Ardiente, nakumpiska ng mga tauhan n’ya ang P49 milyong halaga ng illegal na kontrabando at P7 milyon naman ang halaga ng droga. Aniya, nagsagawa ang PRO12 ng aabot sa 175 operation kontra cigarette at iba pang smuggling activities na nagresulta sa pagkaaresto ng 145 katao at pagkasamsam ng 61,915 reams ng smuggled goods na nagkahalagang  P49 milyon.

Nanguna sa operation ang South Cotabato PPO, General Santos City Police at Sultan Kudarat PPO, katuwang ang Bureau of Customs at iba pang ahensiya ng gobyerno, na nagpapatibay ng border at port interdiction efforts ng rehiyon. Sanamagan!

Kapag nagtulung-tulong ang mga ahensiya ng gobyerno ni President Bongbong Marcos may maganda talagang kinakalabasan, di ba mga kosa? “Ang laban kontra smuggling ay hindi lang laban ng pulis, kundi laban ng sambayanan,” ang pahayag ni Ardiente. “Bawat kontrabandong nasasamsam ay katumbas ng kabuhayang naliligtas at ekonomiyang pinangangalagaan,” aniya. Abawww Guid! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kasabay ng mga operasyon kontra smuggling, pinaigting din ng PRO12 ang kampanya laban sa ilegal na droga. Kabuuang 269 anti-drug operations ang isinagawa na nagresulta sa pag-aresto ng 301 suspek at pagkakakumpiska ng mahigit ?13.8 milyon halaga ng shabu at marijuana. Ang tagumpay na ito ay bunga ng masusing pagpapatupad ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) at patuloy na koordinasyon ng PRO12 sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga Local Anti-Drug Abuse Councils (LADACs).

“Ang tagumpay ng PRO12 ay hindi lang nasusukat sa bilang ng operasyon kundi sa tiwalang ibinibigay sa atin ng mamamayan,” ani Ardiente. “Ginagawa natin ang ating tungkulin nang may disiplina at tapat na paglilingkod — isang tunay na halimbawa ng service beyond our badge.” Purbidang Yawaahh! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Tiniyak ni Ardiente na magpapatuloy ang PRO12 sa pagpapatupad ng intelligence-driven at community-supported operations upang tuluyang masugpo ang smuggling, drug trafficking, at iba pang uri ng organisadong krimen. Abangan!

ARNOLD ARDIENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with