^

PSN Opinyon

‘Bagyong Tino’ sa Capiz

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa nakababangon ang mga magsasaka at mangi­ngisda sa Capiz, nangamba na naman sila sa Bagyong Tino na daraan sa lalawigan. Halos ilang linggo pa lang ang naka­lilipas nang bahain ang 15 bayan ng Capiz dulot ng Bagyong Ramil narito na naman ang bagyo.

Hindi natin alam kung kailan tatama ang bagyo kaya dapat tayong handa sa lahat ng oras. Nang tumama ang Bagyong Ramil noon dito sa Capiz, kukuya-kuyakoy lamang ang mga local officials dahil nga super layo naman ang sentro ng bagyo. Subalit ang buntot pala nito ay ubod nang lakas. Ang ibinuhos na ulan ni Bagyong Ramil ay katumbas ang tatlo hang­gang isang linggong pag-ulan. Kaya 15 bayan ang nalubog sa baha.

Kahapon ng umaga halos mapuno ang mga pamilihang bayan dahil sa pamimili ng mga kababayan natin nang kani-kanilang mga kakailanganin bilang paghahanda sa pagdaan ng Bagyong Tino.

Sa Pontevedra, mabili ang strap, trapal at kawayan para gamitin sa kanilang mga bubungan. Hindi lamang ang Pontevedra ang nagsipaghanda sa pagdaan ni Bagyong Tino, halos lahat ngayon ng mga local officials ay walang tulog sa paglilibot sa kanilang nasasakupan upang magbigay ng paalala sa kanilang mga constituents na mag-ingat.

Napansin ko lang, kahit na anong mabuting proyekto ngayon ni President Ferdinand Marcos Jr., ay inaangguluhan ng pulitka kaya may ilan sa ating mga kababayan ang nadi­dismaya sa pamamalakad ng LGUs dahil na rin marahil sa mga paninira ng mga dating nakaupo sa puwesto na nagnanais na makabalik pa sa kanilang kapangyarihan.

Gaya nang magbaha noon sa 15 lalawigan sa Capiz, nag­lutangan ang mga dating pulitiko na wala naman nagawa noong sila ang nakapuwesto, kaya nagnanais silang pa­im­bestigahan umano ang pagbaha na nararanasan.

Maging ang ayuda na pinagkaloob mismo ng Department of Social Welfare and Development ay pinaputok na pinipili lamang umano ng mga barangay chairman ang binibigyan ng tulong.

Kaya ngayon na todo na naman ang paghahanda ng LGUs sa pagdaan ni Bagyong Tino, tingnan nating kung anong mga intriga na naman ang ipakakalat ng mga ambisyosong pulitiko na natalo sa eleksiyon.

CAPIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with