^

PSN Opinyon

KaunLARAng pangsarili?

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

SA Alcala, Cagayan, binulgar ni Mayor Tin Antonio ang umano’y pagmamaniobra ng mag-asawang Rep. Joseph Lara at Dr. Zarah Lara sa mga proyektong imprastraktura ng gobyerno.

Hindi ito simpleng intriga sa lokal na pulitika kundi malinaw na salamin ng sistematikong pagnanakaw ng kapangyarihan at pondo ng mamamayan.

Paulit-ulit na napupunta sa JLL Pulsar Construction—kompanyang konektado umano sa mag-asawa—ang mga kontrata.

Lahat halos ay nasa ilalim ng ?50 milyon na tamang-tama para hindi masailalim sa mas istriktong bidding.

Hindi ito simpleng “diskarte” kundi sistematikong pagsasamantala sa mga butas ng batas upang mapakinabangan ng iilan ang kaban ng bayan.

Habang maraming eskuwelahang kulang sa silid-aralan at maraming tulay ang hindi pa rin maayos, ginagamit naman ang buwis ng mamamayan para sa mga proyektong may tatak na “KaunLARAn” — parang personal na negosyo ng pulitiko.

Ito ay lantad na pang-aabuso ng kapangyarihan at isang insulto sa bawat Cagayanong naghihirap para magbayad ng buwis.

Dapat gumalaw ang DPWH, COA, at iba pang oversight agencies. Hindi sapat ang imbestigasyong pormalidad lamang.

Kailangang may transparent na audit, paglalantad ng lahat ng kontrata, at pagpapanagot sa mga sangkot, kahit gaano pa kataas ang posisyon.

Higit sa lahat, kailangang magkaisa ang mamamayan—mga estudyante, guro, manggagawa, magsasaka—para igiit ang pananagutan. Kung tatahimik ang mga Cagayano, mananatiling laruan ng mga pulitiko ang pondo ng bayan.

Ang tunay na kaunlaran ay hindi nasusukat sa dami ng proyekto kundi sa kalinisan ng pamamahala. Panahon na para buwagin ang KaunLARAng pangsarili at ipaglaban ang tunay na kaunlaran para sa mamamayan.

* * *

Para sa komento, i-send sa: [email protected]

ALCALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with