^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga mapagsamantalang negosyante, bantayan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga mapagsamantalang negosyante, bantayan

PAGKATAPOS bayuhin ng Bagyong Opong ang Masbate, Romblon at Oriental Mindoro noong nakaraang linggo, niyanig naman ng 6.9 na lindol ang Cebu noong Setyembre 30 na sa pinakahuling report ay mahigit 70 katao na ang naitalang patay. Pinakagrabeng tinamaan ang Bogo City na hanggang ngayon, marami pa ring mga residente ang ayaw bumalik sa ka­nilang mga tahanan sa pangambang lumindol muli. Na­kapagtala na ng mahigit 2,000 after shocks ang Phivolcs.

Hanggang ngayon din naman, kalunus-lunos ang tanawin sa Masbate at maraming bayan sa Oriental Mindoro na grabeng sinalanta ng Bagyong Opong. Limang beses nag-landfall ang bagyo kaya maraming napinsalang bahay at mga pananim.

Pinakagrabe ang pinsala sa Masbate na may mga namatay sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo. Hanggang ngayon, may mga lugar pa sa Masbate na walang kuryente. Umaapela ng tulong ang mga taga-Masbate. Sana raw matulungan silang maitayo ang nasirang bahay.

Nararapat namang bantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga mapagsamantalang negos­yante para maitaas ang presyo ng kanilang mga pro­dukto kabilang ang bigas, sardinas, noodles, gatas asukal, mantika at iba pang pangunahing panganga­ilangan. Tiyak na sasamantalahin ng mga gahamang negosyante ang sitwasyon. Wala silang iniisip kundi ang kumita nang malaki kahit pa may mabigat na pinag­daraanan ang kanilang mga kababayan.

Sa pagdalaw ng kalamidad, sabay ding dumadalaw ang mga mapagsamantalang negosyante. Papatungan nila nang malaki ang mga produkto.

Nagpatupad na ang DTI at ang Department of Energy (DOE) ng 60-day price freeze sa basic necessities, liquefied petroleum gas (LPG), at kerosene sa buong Cebu kasunod nang malakas na lindol na tumama sa probinsiya. Ang automatic price freeze ay agad nagkabisa makaraang ideklara ang state of calamity sa probinsiya. Ang basic necessities na ipinatutupad ang price freeze ay ang bigas, mais, karne, isda, gulay, delata, instant noodles, gatas at sabon. Sinabi ng DTI na ang pagpapatupad ng price freeze sa basic goods ay nakaayon sa direktiba ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.

Ngayong naka-price freeze ang mga pangunahing pangangailangan, dapat namang sikapin ng DTI na ma-monitor kung sumusunod ang mga negosyante. Ipakalat ng DTI ang kanilang monitoring teams para matiyak na nasusunod ang kautusan. Hindi lamang sa pagkain nararapat magpatupad ng price freeze kundi pati na rin sa mga materyales—semento, yerong bubong, pako, hollow block at iba pa para sa pagpapagawa ng nasirang bahay.

BOGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with