Hindi kidnapping ang kaso
KASO ito ni Mila na may kasong kidnapping na may kasamang pagpatay. Si Mila ay may asawa na pero meron pa ring ibang lumiligaw sa kanya. Isa na rito si Max na inutangan ng kanyang asawa. Noong pinautang ni Max ang kanyang asawa, para pumunta sa ibang bansa, nagalit si Mila at binalak na patayin ito sa tulong ng isa pang manliligaw niya na si Tony na nagseselos din kay Max.
Isinagawa nila ang balak laban kay Max sa pamamagitan ng pag-imbita sa kanya sa isang bar-restaurant. Inimbita rin ni Mila ang iba pang kaibigan na si Romy at sinabing babayaran niya ang utang kay Max sa pamamagitan ng pagdukot sa kanya. Akala ni Romy ay nagbibiro lang si Mila.
Dumating si Max sa bar mga hating gabi na at pagkaraang kausapin si Mila. Umalis ang grupo at sumakay sa kotse ni Max. Hindi nagtagal ay tinutukan na ni Tony si Max at inutusan ihinto ang kotse. Ginapos nila si Max at tinakpan ang bibig. Pagkaraan ay inutusan ni Tony si Romy na imaneho ang kotse.
Sinubukan ni Romy na kumbinsihin ang dalawa na huwag ituloy ang kanilang balak. Pero ito ay hindi nangyari. Sa utos ni Tony dinala pa nila sila sa isang madamong lugar kung saan isinagawa ni Mila at Tony ang kanilang plano.
Pagkaraan ay bumalik na si Tony na duguan ang kamay at ang tatlo ay bumalik na. Sinabi ni Mila kay Tony, “Honey wala na tayong problema dahil siguradong patay na si Max sa dami ng saksak na natamo niya.
Pagkaraan ay pumunta sila sa isang botika para linisin ang kanilang mga kamay, samantalang tinapon ni Tony at Mila ang maleta ni Max pagkatapos kunin ang mga laman nito. Iniwan nila ang kotse sa isang liblib na pook, samantalang sinubukan pa ni Tony at Mila na humingi ng pera sa pamilya ni Max.
Kaya kinabukasan pumunta si Tony at Mila sa bahay nila Romy at humingi sa Nanay ni Romy ng P15 million “ransommoney” at pagkaraan ay binawasan sa P5 million na may paunang P1 million dahil sinabi ng nanay ni Romy na hindi niya kaya ito. Hindi nabayaran ang lahat ng “ransom money” dahil naramdaman ng tatlo na may mga pulis na. Pinagbili ni Tony at Mila ang baril ni Max, relos at kuwintas at binigyan si Romy ng P7,000 bilang kaparte.
Pagkaraan ng pitong buwan sumuko na si Romy sa NBI kasunod si Tony na umamin ng pinatay nila si Max. Pagkaraan ay naaresto na rin si Mila at ang tatlo at dinemanda na ng kidnapping with murder.
Pagkatapos marinig ang kaso, nagdesisyon ang RTC na may sala si Tony at Mila ng kidnapping. Kung kailan napatay si Max kaya sila ay sinentensiyahan ng kamatayan. Sa pag-apela sinabi ng Court of Appeals may sala sila ngunit ng krimeng kidnapping with murder. Tama ba ang CA?
Tama ang CA na sila ay may sala ngunit hindi ng kidnapping with murder. Ayon sa CA kailangang patunayan ng prosekusyon ang bawat krimen ng walang kaduda-duda na parang magkahiwalay na krimen.
Dito sa kaso hindi napatunayan ang kidnapping ng walang kaduda-duda. Kahit na ginapos ni Tony at Mila sa madamong lugar, ginawa lang nila ito upang mapadali ang pagpatay at hindi ang pagkidnap sa kanya. Ang kanilang balak sa pagpatay kay Max ay nakumpirma ng usapan nila sa loob ng kotse.
Ang sumunod na paghingi ng ransom ay parang nagpag-usapan lang pagkaraan ng pag kidnap at ito ay totoo kahit na ang biktima ay dinala sa iba’t ibang lugar. Ang katunayan na humingi sila ng ransom money ay hindi nagpapatunay na ang kanilang ginawa ay kidnapping.
Kaya may sala lang sila ng murder na may sentensiyang reclusion perpetua (People vs. Estacio and Ang, G.R 171655, July 22, 2009).
- Latest




















