^

PSN Opinyon

Buong mundo nililinlang ng Communist China

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang sa Pilipinas may mga pro-China vloggers/influencers. Pati sa America at iba pang bansa ay may local na propagandista ang China Communist Party.

Napansin ‘yan ni sociology Prof. Alvin Camba, PhD, ng Johns Hopkins University. Pandaigdigan ang pambubusabos ng China. Kaya pangdaigdigan din ang pagkubli ng CCP dito.

Isang malaking kabulaanan ng China ay kesyo mas ma­unlad na raw ang ekonomiya nila kaysa America. At kesyo lamang na raw sila sa America sa larangan ng artificial intelligence, space technology, at militar.

Kinakalat ng China ang kabulaanang ‘yon para takutin ang iba’t ibang bansa. Kesyo malilintikan daw ang mundo ku’ng makadigmaan sila.

shutterstock

Ganyan din ang propaganda nila sa Pilipinas. Huwag daw lumaban sa China maski inaagaw ang mga bahura at isda natin kasi maliit na bansa lang naman tayo.

Ikalawang propaganda ng China ang paratang na ginu­gulo ng Amerika ang mundo. Hinihikayat ng CCP na maki-anib sa kanila ang mahihinang bansa ng Africa, South Ame­rica, at Asia para labanan ang America. Pero palihim na sinu­suhulan­ ng China ang mga pinuno ng mahihinang bansa para mapa­ilalim sa impluwensya ng CCP.

Pinalalabas ng China na matinong bansa sila, hindi tulad ng mapagkamkam na America. Pero sa totoo, inaagaw din nila ang karagatan ng maliliit na bansa sa West Africa, Indian Ocean, at Pacific. Pinapasok nila ang exclusive economic zones ng Ecuador, Palau, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Brunei, Taiwan.

CCP ang salot sa mundo. Pabagsakin sana ng mamamayang China.

COMMUNIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with