^

PSN Opinyon

Kawalan ng lisensiya

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

KASO ito ni Jerry, 27, binata. Ipinakilala sa kanya si Mila, 37. Nabighani si Mila kay Jerry. Pagkaraan lang ng apat na buwan, nakumbinsi na nga si Jerry na lumipat na sa kanyang bahay at pagkaraan ng limang buwan, nagpakasal na sila. Gumawa sila ng affidavit na nasa tamang edad na sila.

Ngunit pagkaraan ng apat na taon, nag-asawa uli si Jerry. Nagsampa ng kasong bigamya si Mila laban kay Jerry.

Bilang sagot, sabi ni Jerry na hindi sila kasal at wala namang seremonyang naganap. Sinabi rin ni Jerry sa korte na nangu­ngupahan lang ng bahay noon si Mila. Lumalabas na tinakot lang siya upang sila ay makasal.

Bilang sagot, sinabi ni Mila na talagang kinasal sila at nag­sama ng anim na taon ngunit hindi sila kinasal dahil magkaiba ang edad nila. Inamin ni Mila na nag sama silang mag-asawa ng limang buwan bago sila ikasal.

Hindi ginawad ng Korte ang petisyon ni Jerry dahil hindi talaga­ siya kasal kay Mila. Sinabi rin ng RTC na ang dekla­rasyon ni Jerry na pumirma lang siya sa isang blankong papel at hindi totoo.

Kinumpirma ng CA ang desisyong ito at dineklarang dahil­ wala silang lisensiya upang magpakasal. Maaari lang walang lisensiya ito ay may bisa lang kung gumawa sila ng affidavit na namumuhay sila bilang mag-asawa na hindi kulang sa limang taon bilang mag-asawa.

Dito sa kaso, ang affidavit ay ‘di totoo dahil kinasal lang sila pagkaraan ng limang buwan bago ang kasalan. Tama ba ang CA?

Tama. Ang kawalan ng lisensiya sa pagsasama bago ikasal ay tama lang kung ang magkasal ay ninais na magpakasal at ito ay ilagay sa isang affidavit na inalam ni Jerry na siniguro niyang walang bahid ang kanilang kasal.

Dito sa kaso malinaw na hindi sila nagsama ng limang buwan bago ikasal. Kaya malinaw na hindi totoo na sila ay hindi kasal. Walang affidavit silang pinirmahan (Republic vs. Dayot, G.R. 175581, March 28, 2008).

LISENSYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with