1st runner up sa latest search...Oranbo Urban Garden
Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang napakaganda at luntiang urban garden na Gulayan sa Barangay na 1st runner up sa latest search bilang Clean and Green at Sustainable Urban Farming sa Pasig City.
Ang aking tinutukoy ay ang Oranbo Urban Garden na makikita sa Park and Sell, Henry Javier, Oranbo,Pasig City.
Ayon kay Rachelle Rose Tala, Street Sweeper Supervisor ng Barangay Oranbo, halos taun-taon ay nakakakuha ng award sa iba’t ibang search ng kanilang LGU.
“Oranbo Urban Garden is an initiative of the barangay and city government of Pasig to promote urban farming and food security,” ani Tala.
Sinabi pa ni Tala, nananalo sila sa patimpalak na clean and green na barangay dahil sa kanilang organisado at tuloy-tuloy na pagtatanim ng gulay at prutas sa kanilang garden.
“The urban garden of barangay Oranbo has been awarded numerous times for sustainability and innovation,” aniya.
Pahayag pa ni Tala, dati ay mas malawak ang kanilang taniman ng gulay na nasa 450sqm hanggang gamitin ang kanilang garden at nabawasan ng nasa 250sqm.
“Mayroon akong 17 street sweeper, 11 sa kanila ay babae at 6 na lalaki at sama-sama, tulong-tulong kaming nagtatanim ng gulay at prutas,” sabi nt Tala.
“Kung ang iba at kinakausap nila ang kanilang mga tanim, kami ay kinakantahan at sinasayawan pa namin, kaya magaganda ang mga ito at hitik na hitik ang bu-nga,” ayon pa ni Tala.
Kumpleto ang mode of farming sa Oranbo Urban Garden.
Mayroon silang Conventional, Aquaponics at Hydroponics.
Ilang sa harvest na gulay sa Oranbo Urban Garden ay ginagamit sa feeding program.
May mga estudyante at kagawad ng PNP ang nagpi-field trip sa Oranbo Urban Garden para matuto rin sa pagtatanim.
Namimigay din ng binhi at punla ang grupo ni Tala sa mga residente ng Oranbo na interesado na magtanim ng kanilang sariling pagkain.
Malugod na nagpapasalamat si Tala kay Pasig City Mayor Vico Sotto dahil full support ito sa kanilang proyekto at sa iba pang tumutulong sa kanila.
Hinihikayat ni Tala ang lahat na magtanim na rin ng kanilang sariling pagkain sa kanilang bakuran.
Ngayong Linggo, September 21, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Rachelle Rose Tala sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Mag-sasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest
















