^

PSN Opinyon

Sept. 13, 1900: Makasaysayang labanan sa Marinduque

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SANA ituro sa textbooks. Nu’ng Sept. 13, 1900 naganap ang isa sa pinakamatagumpay na laban ng Pilipino kontra kolonyalistang Amerikano.

Nalaos sa Pulang Lupa, Marinduque ang isang U.S. army detachment sa ilalim ni Capt. Devereux Shields. Hasa sila sa giyera, kumpleto sa armas, at sagana sa pagkain.

Ang Philippine Revolutionary Army unit sa ilalim in Col. Maximo Abad ay hindi lang kulang sa riple; paling pa kung bumaril ang mga sundalo. Gutom din sila. Pero nag-aalab ang puso para sa kalayaan.

Misyon ni Shields bihagin si Abad. Kasama ang 54 riflemen, binulabog nila ang mga baryo patungo sa bundok. Sinuplong ng mga mamamayan kay Abad ang kilos ng mga dayuhan.

Tinipon ni Abad ang 180 sundalong Pilipino sa Pulang Lupa, gilid ng bundok. Minobilisa niya rin ang 1,000 taga baryo na armado ng bolo.

Tinambangan ng mga sundalo ni Abad ang puwersa ni Shields. Nilinlang nina Abad ang mga Amerikano na pumasok sa patibong. Habang nagbabarilan, inatasan ni Abad ang 1,000 bolomen na harangan ang likuran ng puwersang Amerikano.

Napansin ni Shields na napaligiran na sila. Inutos niya ang dahan-dahang pag-atras. Pero nasiraan ng loob ang mga Amerikano. Nagkanya-kanyang takbo paalis.

Apat na kilometro sila hinabol ng mga Pilipino. Sa isang makitid at maputik na palayan naipit ang mga kalaban. Inubos sila roon.

Napabalita sa Washington, DC ang kahiya-hiyang pag­katalo ng Amerikano. Maghahalalan pa naman ng pangulo. Tinalo ni President William Mckinley ang anti-imperyalis­tang si William Jennings Bryan.

Malupit na gumanti si Gen. Arthur MacArthur sa Ma­rin­duque. Pinagkaitan ng pagkain ang mamamayan, isang war crime. Makalipas ang ilang buwan, napilitang sumuko si Abad. Pero bayani siya.

AMERIKANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with