^

PSN Opinyon

Free training, seeds at punla...Pasig Clean and Green Garden

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang napakagandang garden at “noble project” sa Pasig City.

Ang aking tinutukoy ay ang Clean and Green Garden ng City Environment and Natural Resources na makikita sa Carucho Avenue, Brgy. San Nicholas, Pasig City

Ayon kay Larry Santos, Supervisor ng Clean and Green, nagbibigay sila ng libreng seminar sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay, namimigay sila ng binhi at punla sa mga gustong matuto at nagnanais na magtanim ng sariling pagkain.

Sinabi ni Santos, mula nang lumipat sila sa kanilang pansa-mantalang opisina dahil ang City Hall ng Pasig ay kasaluku-yang ginagawa ngayo ay nagtanim na sila ng iba’t ibang uri ng gulay para maging modelo at halimbawa sa iba.

Karamihan sa mga tanim sa clean and green garden ay mula sa mga patapon na bagay tulad ng gulong ng sasakyan na tina-niman ng mga gulay.

Sa pagbisita ng team ng Masaganang Buhay sa clean and green garden ay dinatnan namin ang kanilang 170 puno ng talong na kasalukuyang nagbubunga, okra, cauliflower, repolyo, ampalaya, upo, sitaw, kalabasa, kamatis at marami pang iba.

Majority sa mga tanim ay direkta sa lupa o conventional farming.

Mayroon din Hydroponics Kratky method na ang kanila namang mga tanim ay high value crops na lettuce, pechay, mustasa, sweet basil at iba pa.

“Nagko-conduct kami ng Advance Urban Gardening and Hydroponics Training Semi-nar sa mga residente ng Pasig,” ani Santos.

Ang team ni Santos ay isa sa in-charge sa taunang search ng clean and green program ng Pasig sa bawat barangay, paaralan ay tahanan.

“Isa kami sa namimili ng mananalo kaya kami mismo ay nagtatanim,” pahayag ni Santos.

Marami pang planong gawin at development sa pagtatanim ang grupo ni Santos tulad ng Aquaponics, pag-aalaga ng hito at tilapia na may tanim na gulay at mushroom pro-duction.

“May kanya-kanya kaming trabaho dito sa CENRO, ako ang naka-assign sa clean and green program sa mga barangay o Gulayan sa Bara-ngay, iba ang naka-assign sa Gu-layan sa Paaralan at iba naman sa indibidual sa Gulayan sa Tahanan,” sabi pa ni Santos.

Taos pusong nagpapasalamat ang grupo ni Santos kay Pasig City Mayor Vico Sotto dahil mula nang maupo ito sa puwesto ay sinimulan niya ang napakagandang pro-gramang ito.

Ngayong Linggo, September 14, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Larry Santos sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng orga-nikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari din kayong manood, mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Nitong nakalipas na June 20, 2025  ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

GARDEN

PASIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with